"Good morning!"
"Good morning din, Via." Pinasigla ko ang boses at nginitian siya.
Kanina pa matamlay yung pakiramdam ko. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin si Lucy, hindi ko alam kung papasok ba siya o hindi. I tried texting her pero walang reply. Noong tumawag naman ako, eh, hindi naman sumasagot. I'm so worried. Baka kung ano nang nangyari sa kanya.
Sana pala kinuha ko na rin yung number ng Papa niya para mabilis akong maging updated sa mga whereabouts ni Lucy. Paano na lang kung may mangyaring masama sa kanya tapos wala ako? Baka hindi ko mapigilang magalit sa sarili ko.
Kung pwede lang na huwag pumasok para mapuntahan agad siya kaso nakabantay sa akin si West. Kanina niya pa ako tinititigan! Wala akong takas sa kapatid kong masipag pumasok. Hay. Sad life. Now I have to endure everything hanggang sa pwede nang umuwi. Sana bumilis ang oras.
"Wala yata si Lucy." Napatingin ako sa kanya. Nasa harap ko pa pala siya. She looks at the seat beside me before averting her gaze at me. "Hindi ba siya papasok?"
Nagkibit ako ng balikat. "I texted and called her pero wala siyang paramdam, eh."
Tumaas ang kilay niya pero wala naman na siyang sinagot about do'n. Hindi ko rin sure kung namalik-mata lang ba ako pero parang nakita ko yung inis sa mata niya although mabilis ding nawala. Isinawalang-bahala ko na lang 'yon.
Dumating na yung teacher. Mabilis namang nagsibalikan sa mga upuan yung mga classmates ko at tumahimik. Napabuntong-hininga ako. Mukhang hindi talaga siya dadating.
"Good morning, class."
"Good morning, Ma'am!"
--
Hindi ko in-expect na matatapos ko lahat ng morning subjects namin na walang nakakapansin na lutang ang mood ko. Ni wala nga akong naintindihan sa mga lession na itinuro. Nag-quiz din kami, buti na lang may na-retain sa utak ko kahit na papaano at pasado ako.
Buong oras na si Lucy lang ang naiisip ko. Hindi ko nga alam paanong naiisip ko siya ng sobrang tagal. Basta nag-aalala ako. Nakuyom ko ang pala. Gusto ko nang umuwi! Bakit ba kasi ang tagal bago mag-uwian?
"Hi."
Napatingin ako kay Via. Hinanap ko ng tingin si West, sumenyas siya sa akin na aalis na siya, kasama niya rin yung best friend niya. Pansin ko rin na wala na yung mga kaibigan nitong babaeng nasa harap ko ngayon.
"Hello."
"Let's lunch together?" Nakangiting tanong niya. Naalala ko bigla yung sinabi ko noon sa kanya na papayag akong sumama sa kanya next time. Wala naman kasi si Lucy tapos wala pa mga kaibigan ni Via. Okay lang naman siguro, minsan lang naman.
"Sige."
Lalong mas lumaki ang ngiti niya. Inayos ko yung gamit ko at sabay na kaming lumabas ng classroom. Hindi ganoon karami ang students nang makarating kami sa canteen.
"Pwede sa medyo isolated part tayo?"
"Sige."
Pumunta kami sa part na wala halos estudyanteng nakatambay at doon pumuwesto. Pang-dalawahan upuan lang yung sa table at mukhang pabor na pabor naman iyon kay Via kasi hindi maalis ang ngiti niya.
"Ako nang o-order," she volunteers, "what do you want?"
"Sure ka?" Tanong ko. Tumango naman siya. Saglit akong nag-isip ng pagkain na gusto kong kainin. Hmm... "Spaghetti na lang. Tapos Mountain Dew. Okay lang?"
"Oo naman." She beams. Mag-aabot na sana ako ng pera nang umiling siya. Ibinaba niya pa ang kamay ko. She winks at me. "It's on me today. Ako na bahala."
YOU ARE READING
Besotted (GL) [HSS #2, Completed]
Teen Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 2 || East Date started: July 16, 2017 Date completed: October 3, 2018 ** East Hansen is a bubbly and optimistic girl inside and out. She believes that she should not waste time being involved in drama...