Chapter 19

10.9K 765 239
                                    

Lucy grimaces at me. Nginitian ko lang siya ng matamis bago tuluyang ibuhos yung gravy sa Mcfloat ko, mas lalo namang nalukot ang face niya. "Bakit ganyan ka makatingin?"

"Edible ba iyan?" Nananantiyang tanong niya. Para bang ang laking kasalanan ng ginawa ko sa order ko.

"Siyempre naman." Ngumuso ako. "Hindi naman ako kakain ng hindi edible. Ganoon ba tingin mo sa akin?"

"Sa ugaling meron ka, East," She leans from her chair at tumitig sa akin na parang food inspector. "Hindi imposible."

"Ang bad mo!" Mas lalo pa yatang humaba ang nguso ko dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang awayin kasi ang meany niya pero gusto ko rin siyang yakapin kasi ang cute niya. Hay! RIP, East. Kailangan ko talagang kontrolin ng maigi itong mga nararamdaman ko. Hay.

"Napapaisip tuloy ako kung baka nasubukan mo nang kumain ng pagkaing nalaglag sa daan." Tinaas-baba niya ang parehas na kilay, halatang inaasar ako. Si Lucy habang tumatagal nagiging alaskador. Minsan masungit, minsan tahimik lang, minsan naman parang mahiyaing dalaga. Ang hirap niya i-spell pero masaya pa rin naman siyang kasama kahit na anong side pa niya ang nakikita ko.

"Grabe ka, Lucy! Hindi ko kaya 'yan ginagawa! Nahulog na candy, oo—" Bigla siyang napahagalpak ng tawa to the point na tumingin pa yung nasa may katabing table namin. Nag-init ang pisngi ko. "Patapusin mo ako!"

"Okay, okay." Tumawa pa ulit siya ng ilang segundo bago dahan-dahang kumalma. "Go." Ngumiti siya ng matamis. Napalunok ako. Huwag kang ganyan, Lucy, natutunaw ako.

Pinapak ko na yung Mcfloat ko. Napangiwi siya pero wala naman na siyang sinabi pa.

I cleared my throat. "Pinupulot ko yung nahulog na candy pero may wrapper pa kaya." Sabi ko habang namumula. Ang lamig dito sa Mcdo pero yung pawis ko, hay nako! Kasi naman itong si Lucy. She's embarrassing me at mukhang natutuwa pa siya! "Bawal tumawa!"

"Pero masaya ako." Ngumiti siya at humalumbaba. Tumingin siya ng diretso sa mata ko. "Ngayon ko lang sasabihin 'to. Thank you, East."

Ang sincere ng boses niya pati ng paraan ng pagtitig niya sa mata ko. Sobra. Para akong natutunaw na nabubuo ulit. How can she do that? How can she melt my being through her sincere words and stares and still feel complete and full at the same time? That's quite ironic.

"Welcome. Pero para saan yung thank you mo?" tanong ko, "Wala naman akong ginagawa. Kinukulit lang naman kita, eh."

"Exactly." She snaps her finger. "Dahil sa pagiging makulit mo kaya nararanasan ko lahat 'to. Things wouldn't be fun if it's not for you."

I am rendered speechless. Napakain ako sa Mcfloat ko ng mabilis kaya ganoon na lang pagngiwi ko. "Ugh! Brain freeze!" Tinuktukan ko yung ulo ko. Oh, my gosh. Ang sakit!

Tumaas ang isang kilay niya. "Buti nga sa'yo."

"Meanie!" Singhal ko bago mag-pout pero tinitigan niya lang ako ng walang kaemo-emosyon sa mukha. Nag-subside na rin sa wakas yung sakit. "Sakit kaya magka-brain freeze!"

"Bakit kasi kinain mo ng sunud-sunod, eh, alam mong ang lamig niyan?"

"Eh," Nilaru-laro ko yung straw ko. "Speechless ako, eh."

"Sa sinabi ko?"

"Opo." Nagpapa-cute na tumitig ako sa kanya. "Na-touch si East sa sinabi mo." I say, talking in third point perspective.

Her expressionless face slowly melts as a smile forms on her lips. Pinilit kong huwag mapatitig masyado ng matagal sa labi niya. Mahirap na, baka mahalata ako. "So, I made you speechless sa kabila ng kadaldalan mo?" Tumango ako kahit gusto kong kumontra sa madaldal na part. Hindi naman kaya ako ganoon kadaldal. "Buti naman dahil totoo yung sinabi ko. I'm always having fun when I'm with you. Wala naman kasi talaga sa plano ko lahat ng 'to."

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now