Chapter 31

9.2K 571 38
                                    

Pagkatapos kong makausap si Tito Lucio noong nakaraang gabi, kinaumagahan lang din no'n ay nag-text na rin sa akin si Lucy around nine in the morning. Nag-sorry pa siya for making me worried pero I just brush it off. It's not her fault naman.

Naging kampante ako that time since magkausap na rin kami sa tawag no'n. Narinig ko na ang boses niya, ang tawa niya, pati yung biglaang joke niya na ikinakagulat ko. All of my worries washed away.

But there's one thing that keeps bugging me up until now. Her voice sounds so sad but she won't tell a thing.

I tap my fingers on the surface of my armchair. Sinimulan ko na rin i-tap ang sapatos ko habang patingin-tingin sa cellphone. Nandito na ako sa school lahat-lahat pero wala pa rin si Lucy. Nag-text na ako sa kanya pero wala pa ring reply.

Sabi niya kagabi bago kami matulog, papasok daw siya. Magkikita kami at kakain sa labas after ng class, treat niya raw since manliligaw na siya.

Siguro naman late lang siya. Okay naman siya, eh. I'm always telling her to take good care of herself at sinusunod naman niya iyon. Umiiwas siya sa hindi dapat kainin, kumain sa tamang oras, nagpapahinga agad, at natutulog ng maayos.

Ang bilin ko sa kanya ay magsasabi siya dapat lagi kung may problema, maliit man o malaki. Gusto ko matulungan ko siya sa kahit na anong paraan pa iyan.

Dumating na yung teacher namin pero wala pa ring Lucy na dumating.

--

Natapos ang morning class na wala man lang akong naiintindihan. Nag-quiz kami pero dahil sa sobrang kawalan ng focus ay naibagsak ko iyon. Hindi ko nga alam kung paano pa ako nagka-score. Kay Lucy lang tumatakbo ang isip ko. Bakit hindi siya pumasok? I keep texting her but there's no reply. I tried calling her pero hindi niya sinasagot. Tingin ko hindi naman siya lowbat.

I dialled his father's number pero parehas silang unattended. Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari.

"East, hindi ka pa ba kakain?"

Napatingin ako kay Via. Ngayon ko lang napansin na kami na lang pala ang natira dito sa room.

Wait! Baka may alam siya!

I groan mentally. Bakit hindi ko agad naisip na magtanong sa kanya! Of course there'll be a chance na may alam siya. She's her sister!

Napatayo ako at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Mukha pa siyang nagulat dahil sa ginawa ko. "Via?"

"Bakit?" Tanong niya nang makabawi sa pagkagulat. Hinawakan niya ang mga kamay ko para ibaba ito. "May problema ba?"

"S-si Lucy," I mutter as I try to gather my thoughts. "Si Lucy, alam mo ba kung bakit wala siya ngayon?"

Kumunot ang noo niya. "Hindi mo pa ba alam?"

Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. Hindi naman siguro tama ang kutob ko... "May...nangyari ba, Via? Anong meron?"

"Naka-confine siya sa hospital until now, East. Hindi ba nasabi sa'yo ni Lucy o ng Papa niya?"

Napailing ako at nanghihinang napaupo. Parang nawalan yata ako ng lakas sa sinabi niya. "K...kailan pa?"

"Since the first day of November. Mama said na bigla na lang daw nag-collapse si Lucy during their visit on the cemetery. Mabilis naman siyang naisugod sa hospital. Nandoon ngayon si Tito Lucio habang yung mga bata naman ay sa amin muna nakatira."

Napayuko ako. Ilang araw na siyang nasa hospital pero wala man lang siyang sinabi? Si Tito, hindi man lang niya pinaalam. Bakit? Si Lucy ba ang may pakiusap na itago sa akin ang nangyari? Kaya pala iba ang pakiramdam ko. Kaya pala kahit anong pilit ko, hindi pa rin mawala yung kaba at takot.

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now