Chapter 26

9.2K 606 42
                                    

"Pwede na ba tayong umuwi kapag nagising na siya?" Tanong ko kay Ate North.

Nagkibit-balikat naman ito at ngumiti. "Depende."

"Sana pwede na!"

Napansin kong natawa si Jade habang napapangiti naman ang kambal ko. I'm glad that they're okay. Nakahinga na ako nang maluwag pagkatapos naming malaman na wala na sa kapahamakan si Ate South. Ngayon ay hinihintay na lang namin na ma-discharge siya.

I was really really scared that night. Akala ko mawawala na yung kapatid ko... Habang nasa sasakyan kami no'n papuntang hospital, halos hindi ko maalis ang tingin kay Ate South, pakiramdam ko kapag inalis ko ang mata sa kanya kahit ilang nanoseconds lang ay mawawala siya. I hate that feeling. I really hate it, because it feels like I'm watching something that's really beyond my expectation. It's really scary.

Nakakatakot. Nakakatakot dahil hindi ko alam na posible palang mangyari iyon, na yung isang bagay na maayos at matibay ay pwedeng masira bigla.

When my mother died, hindi ako nakaramdam ng ganito. Maybe because I already know the ending, maybe because I already anticipated it. Mabilis lang na nag-sink in sa akin iyon na para bang hinahanda na yung mentality ko, na hindi na dapat ako magulat.

Ang daming pumapasok sa isip ko no'n kahit nang makarating na kami rito sa hospital. Para bang lahat ng nasa isip ko ay nasa harapan ko lang, demanding to be think of. It didn't make me sleep.

I thought about Lucy. She's sick, too. I know there are two things that might happen, pwede siyang mabuhay or pwede rin siyang...

Katulad ng kay Mama, meron na akong dalawang possible ending for her, may dalawang possible situation na akong pwedeng i-anticipate, but why do I feel like she's still a different case? Bakit ngayon pa lang natatakot na ako? Bakit palaging may...masakit?

A sudden realization hits me. It's too fast. Maybe because...

I stared at my sisters and Jade. Nakakatawa.

Is being a Hansen really takes a big toll? Is being involved with us takes a great toll, too?

I don't want to sound conceited pero para kasing kakambal na namin ang problema. Para bang mahirap makuha yung gusto namin. Since when did it all started? Sa pagkakamali ng ama namin? Is this what they call karma?

I'm really wishing na sana sa akin na lang ang last destination ng karma kung totoo man iyon. I don't want to see Ate North and West get hurt like this again. Sana naman wala silang pagdaanan na complication, yung normal lang.

"Ang mabuti pa, umuwi muna tayo." Ate North says that makes me stop from thinking. "Kumuha na tayo ng damit para may pamalit si South kung sakali."

"Sinong maiiwan dito?"

"Edi si Jade."

I see how Jade stiffs before pointing herself. "Ako? Bakit ako?"

"Eh, alangang ako?" Balik tanong ni Ate North habang nakataas ang isang kilay. Ang taray niya talaga minsan kapag si Jadey ang kausap.

"Malamang. Kapatid ka ni South, eh."

"Ayaw mong makausap yung kapatid ko? Ayaw mong bantayan? Akala mo ba hindi ko napapansin?"

Hindi ko ma-gets yung tanungan nila. Ano kayang meron? Nakita ko na lang na nag-iwas ng tingin si Jade. Hmm...something's fishy. May pakiramdam talaga ako na may ganap. Sa pagkakaalam ko may gusto si South sa kanya. Eh, siya kaya?

"Samahan ko na lang si Jade na—"

"No, West." Kontra agad ni Ate at umiling-iling. "Kailangan mo na ring umuwi. Wala ka ring pahinga. Namamayat na kayong dalawa." Napuna pa kami. Hindi naman kami namayat talaga, eh. Pero pagod kami. Si Ate, mas pa sa nanay. "Maiwan ka rito, Jade. Okay? Magdadala na lang din kami ng damit mo."

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now