Chapter 34

10K 522 79
                                    

Via told me to wear something casual so I did. Hindi ko naman din kasi alam kung saan niya ako dadalhin. I'm wearing a maroon off shoulder top, skinny ripped jeans, and a canvas shoes. I tie my hair up in a pony, maiba man lang.

Sinipat ko ang sarili ko sa salamin. Bagay naman sa akin. Mas na-emphasize yung neck and collarbone ko. Aww, favorite ko na yata ang off shoulder. Ang cute ko! Para akong sira na rumampa pa para lang ma-double check kung swak na swak ang outfit ko. Yosh!

"Mababasag na yung salamin, East." Napalingon ako kay Westy nang sabihin niya iyon. Nakahiga lang siya sa kama habang tutok na tutok sa cellphone. Ang seryoso niya tingnan pero yung sinabi niya, nakakaasar. Bakit naman mababasag? Pangit ba ako? Magkamukha kaya kami!

"Malaglag sana 'yang cellphone sa mukha mo." Nakangusong sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung may magic yung sinabi ko dahil pagkatapos kong sabihin iyon ay bigla na lang niyang nabitawan ang phone at mabilis itong lumagpak diretso sa mukha niya. Natawa ako ng malakas samantalang ang sama ng titig niya sa akin. "Boom! Karma! Mukha ka na kasing cellphone!"

Hindi na niya ako pinansin pagkatapos no'n. Nang sa tingin ko ay wala na akong nakalimutan ay bumaba na ako papuntang living room. Naabutan ko ro'n sina Ate North, Ate South, at Jadey na kasama na si Via. She smiles at me sweetly pagkatapos niya akong tingnan mula ulo hanggang paa.

Nginitian ko siya pabalik habang pasimpleng sinipat ang suot niyang denim button up shirt, fitted na dark jeans, and sneakers. Ang feminine niya tingnan. Kung sabagay, lagi naman, eh. Bakit ba nagkagusto sa akin itong babaeng ito? Nakakapagtaka pa rin.

"Kanina ka pa ba? Masyado ba akong matagal?" Tanong ko nang makalapit. Si Jadey tinusuk-tusok pa ako sa tagiliran para mang-asar. Nginusuan ko siya at sinenyasang magtigil pero go pa rin siya sa ginagawa.

"Kakarating ko lang actually." Nakangiting sagot niya sa akin. Mukhang naaaliw siya sa ginagawa nitong si Jadey. Ako yung nahihiya, eh! "Ready ka na?"

"Yeppo." I answers short with a nod.

"May date si bunso, oh." Patuloy pa rin sa pang-aalaska sa akin si Jade. "Dalaga na si bunso. Naks!" Umarte pa itong parang naiiyak, suminghot siya at animo'y matandang dalagang nagpunas ng luha. Parang katulad siya sa mga movie kung saan aalis na ang anak para mag-abroad, ganoon ang dating. Naku po! Umakbay siya kay Ate North. "Dalaga na siya, dalaga nang anak natin."

Natawa na lang ako imbes na maasar. Puro talaga kalokohan si Jadey, eh.

Binatukan siya ni Ate North. "Umayos ka nga." She looks at Ate South. "Hiwalayan mo na 'to habang maaga pa."

"Sige." Walang kaabug-abog na sagot naman ng huli at sarcastic na ngumiti.

"Grabe ka naman sa akin, nagbibiro lang, eh." Yumapos si Jadey kay Ate South na wala man lang kagalaw-galaw sa pwesto niya. "Walang gano'n." Tiningnan niya kami isa-isa, mas nagtagal ang tingin niya kay Ate North. "Bad influence ka North baby, ah. Huwag ganyan."

I can't help but chuckle. They're so cute!

"Alis na kami, mga Ate." Paalam ko sa kanila. Baka mamaya kung ano pa masaksihan namin ni Via. Ang cutie ng mga kasama ko sa bahay.

Tumango naman sila sa amin. Humalik ako sa pisngi ng mga kapatid ko samantalang nakipag-bro fist ako kay Jadey. Wala lang, ma-try lang. Ang astig kasi ng mga nakikita kong ganoon. Tsaka nakakahawa si Pewdipie.

"Mag-iingat, ah."

"Opo."

"Hanggang ten lang ng gabi." Tumingin si Ate kay Via. "Kapag nagpasaway iyang kapatid ko, libreng magsumbong."

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now