"East."
Hindi ko alam kung susuklian ko ba ang nakikitang matamis na ngiti sa labi ni Via o hindi nang pagbuksan niya ako ng pinto. Buong oras ay si Lucy lang kasi ang natakbo sa isip ko that's why I never thought the possibility of seeing her. Gusto ko nang batukan ang sarili ko dahil hindi ako nag-iisip ng matino. Why it didn't cross my mind? Ang baliw mo, East!
"Uhm," I clear my throat, mustering up a smile. "Hi." I greeted back, trying to shoo away the awkwardness. Pero sa tingin ko'y nahalata niya kaagad ang discomfort ko. Kapansin-pansin iyon sa paraan ng pagtingin niya.
"I know you're not here for me, East," She says softly with a sigh as she tries to maintain a smile. Pero huli na dahil hindi nakaligtas sa paningin ko ang mabilis na pagdaan ng lungkot sa mata nito.
That sight makes me grip the hem of my shirt tight. Gusto ko umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. I have this feeling that I'm just going to hurt her more kapag umiwas umiwas ako. I want to say sorry but I know she will not like it.
"She's in her room," Sabi niya nang wala siyang makuhang sagot sa akin. Hinawakan niya ako sa wrist upang hilahin palapit. "Halika na, pumasok ka—"
"Can we talk?" I ask, interrupting her. Kumunot ang noo niya pero hindi naman na siya nagtanong at tumango na lang. Nakahinga ako ng maluwag kahit na papaano. "Thank you."
"Do you want to go somewhere or dito na lang?"
"I'm fine anywhere as long as we can talk in private."
Tumango siya. She motions me to follow her na sinunod ko naman. Medyo natigilan pa ako nang huminto kami sa isang kwarto. Napatingin ako sa kanya na para bang nagtatanong kung tama ang nasa isip ko. She raises a brow and nods.
"Para sa akin, kwarto ko ang pinakapribadong part ng bahay namin. What, ayaw mo?" She asks na nilangkapan pa ng pang-aasar. Umiling naman ako na ikinangisi niya. "Let's go. No worries, malinis sa loob."
Wala namang problema sa akin yung ganoon. Ako nga si West pa naglilinis ng kalat ko kung minsan. Pinihit niya ang doorknob at binuksan ang pinto. Katulad ng sinabi niya, malinis nga ang kwarto niya. It's so feminine just like her. Simple lang pero may personal touch na sa unang kita mo pa lang, alam na agad na si Via ang may-ari ng lugar.
Naglakad ako papasok at naupo sa kama niya habang sinara naman niya ang pinto. Napatingin ako sa picture frame na nasa bedside table niya at na-shock. Larawan ko kasi ang nakita ko. Halos magsalubong ang kilay ko sa pagtataka. Ibinalik ko ang tingin kay Via na diretsong nakatingin sa akin at nahihiyang ngumiti.
"I like staring at you before going to sleep." She answers honestly, "Am I being creepy?"
I purse my lips and shakes my head. Ang hipokrito ko naman kapag sinabi kong oo kasi kahit ako, palagi kong tinitingnan ang picture ni Lucy bago matulog. I just want to always see my girlfriend before going to sleep as well. Kasi sa ganoong bagay lang, masaya na ako.
"Really?" Naniniguradong tanong niya. Tumango naman ulit ako at mukha siyang nakahinga ng maluwag at marahang natawa. "You're really different."
"Bakit naman?"
Binigyan niya ako ng tipid na ngiti bilang sagot. She looks really happy. Parang ang hirap na tuloy sabihin kung anong dapat kong sabihin. Natahimik na lang ako at nag-iwas ng tingin.
Kaya ko naman siguro ito. Ayokong mas makasakit in the long run. Pero sino bang may sabing madali lang ang ganitong bagay? Maybe this is the reason kung bakit may ibang mas pinipili na lang ang umiwas. Kasi less struggle nga naman, hindi na kailangang ma-feel yung para bang naiipit ka sa sitwasyon at nap-pressure na maging honest.
YOU ARE READING
Besotted (GL) [HSS #2, Completed]
Teen Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 2 || East Date started: July 16, 2017 Date completed: October 3, 2018 ** East Hansen is a bubbly and optimistic girl inside and out. She believes that she should not waste time being involved in drama...