"West!" Tawag ko sa kakambal kong prenteng nakasandal lang sa headboard ng kama niya habang naglalaro sa phone. "Mababaliw na ako!"
"Matagal ka nang baliw."
"I'm so bored!" Ngumuso ako. Nami-miss ko na si Lucy kahit tinatarayan niya ako kung minsan. Sa lahat ba naman kasi ng makakalimutan kong gawin, iyon ay ang hingin ang number niya!
Ano na ngayon? Paano na magiging productive ang araw ko? Tinatamad ako rito sa bahay. Ayoko namang gumala mag-isa. "West! Gala tayo!"
"Inaantok ako." Sagot niya at humikab pa na akala mo'y antok na antok kahit hindi naman. May inantok bang laro ng laro? Baliw.
"I'm so awesomely bored!"
Napahagikhik siya ng mahina. "Akala ko magmumura ka, eh."
"Eh, good girl ako." Pagbibida ko sa sarili. "Good girl don't cuss except na lang kung needed."
Tinaasan niya ako ng kilay pero hindi na muli pang sumagot. Bakit gano'n, kung anong dinaldal ko, siya namang ikinatahimik ng kakambal ko? Dapat magkaugali kami, eh!
Kinuha ko na lang ang phone at nag-Facebook. Wala naman talaga akong hilig sa ganito, ni wala nga akong post na kung anu-ano. Hindi ko alam kung anong mapapala ko sa Facebook aside sa kaunting entertainment at ganap sa ibang lugar mapa-good vibes man iyan o hindi.
As usual, natadtad na naman ako ng mga friend request ng mga kung sinu-sino na hindi ko naman kilala ang karamihan. May Arabo pa! In-ignore ko na lang iyon at nag-scroll na lang.
Ang Facebook minsan nagiging open diary na ng mga tao. Lahat na lang ng ganap sa buhay nila, ipino-post. Kung hindi sa Facebook, sa Instagram or Twitter naman. Yung totoo, tamad ba silang magsulat kaya trip nilang online maglagay? Kaya mabilis sila ma-stalk, eh. Halos lahat na kasi ng klase ng human beings available sa Facebook.
Napakibit ako ng balikat. Pero ano namang pakialam ko? That's their life, doon sila masaya. Sina Ate South nga at si West, mukha nang logo ng Wattpad, eh. Sino ba naman ako, na hamak na nagmamaganda lang, para pigilan sila sa happiness nila?
Anyways, si Lucy kaya may Facebook? Bigla akong na-excite. Ma-search nga!
Tinipa ko sa screen ang Lucy Gamboa and then search. Madaming results na lumabas kaya inisa-isa ko pa kung alin sa mga account ang pagmamay-ari ni Lucy. Na-check ko na yata lahat pero wala, wala! Hindi ko mahanap si Lucy! Baka wala talaga siyang account.
Pa-mysterious talaga. Hay.
Maya-maya ang ay nag-pop out yung chat head ng Messenger sa screen ng phone ko. Phone number yung nakita kong message. Napatingin ako kay West na nagtataka. "Ano yung sinend mo?"
"Number ni Lucy."
Nanlaki yung mata ko sa narinig. Napatitig ako sa number na s-in-end niya bago ulit mapatitig sa kanya mismo. "Wah?"
Napangiti siya. "Anong reaction yung wah?"
"Paano mo nakuha number niya?"
"I asked for it." Simpleng sagot niya bago siya mapang-asar na ngumisi. "Ang bagal mo kasi."
"Wah!"
"Ano ba 'yang wah mo?"
Bigla akong nainggit. Kung ako siguro ang hihingi ng number ni Lucy, malamang no agad ang sagot no'n. Sad life. "Buti ka pa."
Nagkibit siya ng balikat. "Maganda kasi ako."
"Magkamukha naman tayo, ah?"
"Well, mas matino ako kausap."
YOU ARE READING
Besotted (GL) [HSS #2, Completed]
Teen Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 2 || East Date started: July 16, 2017 Date completed: October 3, 2018 ** East Hansen is a bubbly and optimistic girl inside and out. She believes that she should not waste time being involved in drama...