Chapter 3

13.5K 709 38
                                    

"Hindi ka ba marunong mapagod?"

Ngiting-ngiti akong umiling kay Lucy, na as usual, eh, sinisimangutan na naman ako. Nandito kami ngayon sa malawak na field ng school namin. It's PE time! "Warm up pa lang kaya."

Pinagmasdan ko siya sa suot na t-shirt na may tatak ng pangalan ng school namin at blue jogging pants. Ang payat niya talaga. Ang aga pa pero pagod na siya, pansin ko lang naman kasi hinihingal na siya at mukhang nanlalambot. Kulang siguro sa exercise.

"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ko nang basta na lang niya akong iwan mag-isa. Napasimangot ako nang hindi niya ako pansinin. "Bad!"

Bakit gano'n si Lucy? Ang insensitive!

"Ang insensitive mo."

Napalingon ako sa kambal ko. Parehas kaming naka-pony ng mataas. Magkamukhang-magkamukha talaga kami, para akong nakatingin sa salamin. Pero unlike me, West has this serious expression na parang hindi mo siya pwedeng biruin or else. Pero mukha pa ring mabait.

"Mind reader ka ba?" Ungot ko.

"Nope. But your face says it all." she answers in a deadpanned expression. Napakunot ako ng noo. Hindi naman ako insensitive, eh.

Hindi ko na lang siya pinansin. Dumating na rin naman yung best friend niyang palaging nakabuntot sa kanya, eh. Hmp.

Bumalik yung tingin ko kay Lucy na kinakausap na yung teacher namin. Hindi ko alam kung anong eksaktong pinag-uusapan nila pero napansin kong kinapa ni Ma'am PE yung noo at leeg ni Lucy tapos parang may itinanong pero diretso iling naman yung isa. May sakit ba siya? Kaya ba siya pagod?

Napatingin sa'kin bigla si Ma'am, napansin yatang nakamasid ako. "Hansen!"

Tumingin si Lucy sa direksyon ko pero mabilis din namang nag-iwas ng tingin. Lumapit na lang ako sa kanila. Ini-snob lang ako. "Yes, Ma'am?"

"Mukha namang close kayo—"

"Yes naman, Ma'am! Close na close kami!" Masiglang sagot ko kaya napa-chuckle siya sabay iling.

"Halata ko nga." Tumango siya. Hinawakan niya sa balikat si Lucy. "Okay lang ba kung aalalayan mo siyang papuntang clinic?"

Napalingon ako kay Lucy. Saka ko lang napansin na mas maputla siya ngayon kaysa karaniwan. "May sakit ka?" tanong ko.

"Wala." Maikli at matabang na sagot nito. Sinimulan na naman niyang paglaruan ang sariling mga daliri. Mukhang nase-sense ko nang uncomfortable siya. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Sige po, Ma'am," Hinawakan ko ang kamay niya bago tingnan ang guro naming. "Ako na pong bahala kay Lucy."

Naglakad na kami palayo. As usual, sinusubukan na naman niyang bumitaw sa akin pero dahil ako si East Hansen—ang kanyang lihim na kaibigan—hindi ko hinayaang makalayo siya. I'm so awesome!

"Kaya ko nang pumuntang mag-isa—"

"Nope." Putol ko sa anumang sasabihin niya. "Samahan nga raw kita, 'di ba?"

Tiningnan niya ako ng masama. "Bakit ba ang kulit mo?"

"Bakit ang tigas ng ulo mo?" Balik-tanong ko bago napailing. Hindi ako galit pero worried ako. Masama na nga pakiramdam pero nagagawa pa ring kumontra. Hindi na siya sumagot hanggang sa makarating na kami sa clinic.

Ako na yung kumausap sa nurse para sabihin yung lagay ni Lucy. Sobrang pagod daw. Binigyan naman siya ng gamot at pinagpahinga sa kama na nandito. Okay lang naman na nandito ako kaya hindi na ako umalis. Tinatamad na rin akong um-attend sa klase, eh.

Hitting two birds with one stone ang trip ko.

Humiga na si Lucy. Pumikit siya pero dumilat ulit para titigan ako. "Wala kang balak umalis?"

"Wala!" Hyper na sagot ko. Umupo ako sa gilid niya at hinawi ang buhok na humarang sa mukha niya. "Magpahinga ka na lang."

"Ayoko."

"Matulog, ayaw mo?"

Umiling siya. Napakamot ako sa ulo. "Eh, ano?"

"Umalis ka."

"Eh, ayoko nga." Pagtanggi ko. "Babantayan kita."

Bumuntong-hininga siya. Napangiti naman ako. Ako ang panalo sa usapan, eh.

Without a second thought, I slowly lean down to kiss her forehead. Kumunot yung noo ko nang mapansing namumula yung buong mukha niya nang tingnan ko. Automatic naman na kinapa ko ang leeg at noo niya. Baka naman nilalagnat na si Lucy! "Okay ka lang? Masakit ulo mo? Gusto mo nang matulog? Gamot, gusto mo—"

"Bakit k-kailangan no'n?" tanong niya. Tumigilid siya ng higa kaya likod lang niya ang kita ko.

"Ano ba 'yon?" Mas lalo akong nagtaka. Hindi siya sumagot. Saka lang nag-sink in yung sinabi niya kaya naman bigla akong napahagikhik. "Ah-hah!" I snap my fingers.

"Tumahimik ka."

"Dahil sa kiss sa forehead, 'no?" Pagpapatuloy ko. Ngingiti-ngiti tuloy ako ngayon dito.

"Tahimik!"

"Aww, nagb-blush si Lucy...aww." Hindi ko talaga maalis yung ngiti ko habang sinasabi 'yon. Feeling ko buo na araw ko sa ganito pa lang. Napahawak ako sa tiyan ko. Parang may something. "Lucy, ayieee..."

Mabilis siyang pumihit paharap. Natigilan lang ako nang mapansing parang nahihilo siya kasi napapikit siya ng mariin.

"O-okay ka lang? Sige, h-hindi na kita asar."

"I'm okay."

Pinaayos ko siya ng higa. Hindi naman na siya kumontra at basta na lang pumikit. I gently stroke her hair, trying to make her calm. Napangiti na lang ako nang mapansing unti-unting lumalalim ang paghinga niya.

Ang weird ko siguro ngayon para pagmasdan siyang maigi but who cares? Kaibigan ko naman siya, eh. Kahit hindi niya alam.

Hindi siya kaputian pero maganda siya. Maganda yung mata niya, ang haba ng pilikmata. Even her eyebrows are thick but simply beautiful. Hindi siguro uso kay Lucy ang katagang kilay is life.

I slowly trace her face using my finger. Una sa mata niya, sunod ay sa ilong niyang medyo matangos, sa pisngi, sa chin, and lastly...sa lips.

Her lips look chapped actually so I never expected na malambot pala iyon kapag hinawakan. Hindi ko na napansing mas nagtagal ako sa pagtitig.

Napalunok at biglang kinabahan. Para akong under ng hypnotism na dahan-dahang yumuko hanggang sa maramdaman ko na yung mainit na hininga niya.

Bigla akong natigilan nang ma-realize ko yung gagawin ko. Oh, my gosh. Feeling ko nawala ako sa sarili ko ng ilang segundo.

Am I really planning to kiss her? Napatayo ako bigla. Binatukan ko ang sarili ko ng malakas kaya napangiwi ako.

"Stupid East." I murmur to myself.

Paano kapag nalaman 'yon ni Lucy? O kaya bigla siyang nagising? Baka isipin niya na masyado naman akong creepy. Baka lalong hindi na niya ako kaibiganin. Ano ba kasing nangyari?

Napapaypay ako sa sarili ko bago mabilis na umalis.

_____

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now