Chapter 38

9.9K 673 116
                                    

Hindi ko na mabilang kung ilang pictures na ang nakuha namin kahit na nagsisimula pa lang kami sa pag-e-enjoy. The view of Taal is so amazing! Grabe! Kitang-kita kasi mula rito ang bulkan pati na rin yung tubig na nakapalibot dito. Lahat kulay blue, super nagco-compliment sa langit!

Parang sobrang lapit lang nito sa Tagaytay, yung tipong makakarating ka kapag nilangoy mo. Pero of course that's impossible. Abot-tanaw lang talaga sa paningin ang view. Hay...heaven. Kahit nandito pa kami parang gusto ko pa ulit bumalik dito next time!

"Smile ka with peace sign!" Sabi ko kay Lucy at itinapat ang lens ng camera sa kanya. Naiiling na lang siya na sumunod. I quickly takes a picture of her. "Ang ganda mo talaga!"

"Pang-ilang beses mo nang sinabi sa akin iyan, East. Hindi ko na mabilang."

"Ibig sabihin no'n, hindi kumukupas ganda mo." Kinindatan ko siya. "Kinilig 'yan!"

"Baliw." Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay. "Takot ka sa height?" Umiling ako. "Zipline tayo?"

Nanlaki ang mata ko at walang pagdadalawang isip na tumango. Napatawa naman siya bago ako hilahin. Kaunti lang ang pila for zipline, siguro kasi may kamahalan. As in ang mahal lalo na kung taghirap ka student like us. Hindi ko alam kung saan nahugot ni Lucy pera niya kasi sinagot niya talaga lahat. Halatang pinaghandaan niya ang araw na ito. Kilig-kilig naman ako, hi-hi!

Kailangan ko na yatang mag-ipon din para next time ako naman magde-date sa kanya. Hmm...saan kaya pwede?

Oh! Sa Taal na kaya mismo? Papasok kami sa loob ng crater! Hala, ang cute no'n! I want! Tapos scuba diving! Ano pa ba... Oh! Sasakay kami airplane! Tapos parachute!

Kailangan ko na talaga mag-ipon. Pang-one thousand pesos lang afford ko, eh.

"East, halika na."

"Oks!"

Buti na lang wala kaming sakit sa puso ni Lucy loves. Bawal daw ang magugulatin, eh. Sa ganda ng view kahit sino yatang may takot sa height, mac-challenge na subukan ang zip lining. Matagal ko na talagang pangarap na maging ibon sa totoo lang. Maya bird specifically. Maliit kasi sila tapos cutie-cutie.

Pagkatapos kaming i-orient ng mga staff ay nag-start na ang thrill namin. Hindi naman ito delikado as long as susundin namin ang instruction. Kita ko namang matibay ang harness nila. Yakang-yaka namin ito!

"Kinakabahan ka?"Tanong ko. Magkasabay kaming magzi-zip ni Lucy. Imbes na kabahan ay mas ramdam ko yung excitement. Grabe! This is dream come true!

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "Not when I'm looking at you."

"Bumabanat para hindi kabahan!"

Pabiro siyang umirap. "Ready?"

"Ready pa sa ready!"

Sabay kaming nagbilang hanggang tatlo. After no'n, nakita ko na lang ang sarili namin na nasa ere at tuluy-tuloy na nagz-zip pasulong at narinig ang malakas na pagtama ng hangin sa mukha ko pati na ang nakakabinging tili nitong kasama ko. Nalimutan ko na ngang tumili kasabay siya, eh. All I do is to admire the surrounding. It's like everything becomes much more beautiful up here.

Now I finally know how it feels to be like a bird. Flying is breathtakingly amazing. And what's more breathtaking is being with this beautiful girl right now.

I watch her smile and suddenly, everything around me becomes blurry, literally and figuratively. She's really...something.

God, I love her so much.

I found myself staring at her until the end of the ride.

"Ang saya!" Her eyes are sparkling with joy. Titig na titig lang ako sa kanya. Her forehead creases. "Bakit ganyan ka tumingin sa akin?"

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now