Sketch - 7

588 16 0
                                    


Sketch – 7


Aish! Ang sakit ng ulo ko at ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Teka... bakit puro puti ang nakikita ko? Asan ba ako? Patay na ba ako? Nasa heaven na ba ako? Pano na sila Mama at Papa? Si Zander? Sila Justin? Tsaka hindi na ako makakaganti kay Xyrus---


"Oh. Gising ka na pala."


What the---


"AAAAAAAAAAAHHHHHHH----"


"Shhhh! Ano ba! Nakaconfine ka na nga, ang ingay ingay mo pa!" 


Langya to! Tinakpan pa ang bibig ko ng kamay niyang may virus! Ah! Alam ko na!


"OUCH! Aso ka ba at nangangagat ka?!"


"Eh pano naman kita hindi kakagatin, tinakpan mo ng may virus mong kamay ang bibig ko! Tsaka anong nakaconfine? Asan ba ako? Ha?!"


"Tss. Bulag ka ba? Nasa hospital ka."


"Hospital? Ba-bakit?! Bakit ako andito?!" 


Di man lang umimik. Leche talaga to!


"HOY! SUMAGOT KA! BAKIT AKO--- a-aray." 


Napahawak naman ako sa ulo ko. Biglang sumakit tsk.


"Xyza, okay ka lang?" 


Nakahawak pa rin ako sa ulo ko. Masakit pa rin eh. Tsaka bat nakabandage to?!


"M-masakit ulo ko."


"Teka lang. Tatawag ako ng nurse." 


Kasabay naman ng paglabas ni Xyrus ng kwarto ang pagpasok nila Zander, Justin, Mac, Kenneth at Lloyd with matching sigaw at hingal hingal effect pa at nagaalala mga peslaks nila.


"XYZA!"


"Anong nangyari sayo?" -Justin


"Masakit pa ba ulo mo?" -Zander


"May masakit pa ba sayo?" -Mac


"Asan yung mga baklang humulog sayo?" -Kenneth


"Bubugbugin namin gumawa niyan sayo!" -Lloyd


-_-


"Pwedeng isa isa lang?"


"Hehe. Sorry."

Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon