Sketch – Ending
(a/n: Play the video below.)
Xyrus Jaren's POV
"Hoy Torrence bilisan niyo naman! Kalalaking tao ang bagal bagal kumilos! Pag nagalit si Xyrus sainyo, nako! Bahala kayo diyan!"
"Hinahinaan mo nga boses mo Jian! Maririnig ka ni Xyrus!"
Seriously Oliver? Eh rinig na rinig ko nga ang mga nakakairita niyong boses.
"ANG GAGO NIYO! NAGSHASHAVE PA KO TAPOS SISIGAW SIGAW KAYO! MGA DISTORBO!"
Ayan. Yang umaalingawngaw na boses ni Torrence. Buset nakakairita -_- Kasi nasa bahay ko sila at nasa kwarto ako ngayon habang sila ay nasa sala. Rinig na rinig ko ingay nila dito sa kwarto ko eh nasa 2nd floor kwarto ko. Bumaba na ako at nakita ko naman na nagbabatukan si Jian at Torrence habang si Matt ay nanonood ng TV at si Oliver ay umaawat sa dalawa.
"Oh. Andiyan ka na pala pre." -Matt
"Ay wala pa tuloy. Kalululuwa ko lang ang nakikita mo -_-"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA ANG TANGA KASI NI MATT HAHAHAHAHA--- ARAY NAMAN! MAKABATOK LANG EH!"
Nabatukan naman ni Matt si Torrence. Buti nga sakanya.
"Tss. Ang iingay niyo. Daig niyo ba ang mga babae. Tara na nga!"
Nauna na akong maglakad papuntang garahe at narinig ko na naman ang sumisigaw na boses ni Torrence. Isama niyo pa kay Jian.
"HOY XYRUS JAREN MATUTUTO KA NAMAN MANGHINTAY!" -Jian
"SAGLIT LANG OY! ATAT TO!" -Torrence
"BILISAN NIYO NA KASI!" -Matt
"ANG PAPAGONG NIYO!" -Oliver
Tsk.
"MGA GAGO IIWAN KO KAYO PAG DI PA KAYO TUMAHIMIK DIYAN!"
Sumigaw na ko. Nakakapeste eh! Ang iingay -_-
"WAG PO!"
Inisnob ko lang yun apat at sumakay na sa driver's seat. Bahala sila diyan.
BINABASA MO ANG
Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)
RomancePUBLISHED under LIFE IS BEAUTIFUL CREATIVES. Ano kaya ang magiging papel ng "sketch" sa buhay ni Xyza?