Sketch – 24
One week na kaming hindi naguusap ni Zander. Nakakasama ko pa rin naman sila Mac pero pag darating ako, umaalis si Zander. Pag nakita naman ni Zander na kasama ko sang barkada niya, lumalayo siya. Sa totoo lang, nagagalit ako and at the same time, nalulungkot. Wala naman akong ginagawang masama kay Zander eh. Basta after ng pagwalkout niya sa gig nila, di na siya bumalik pa.
"Xyza may problema ka ba?"
"H-ha? Wala naman."
"Ah. Verse 1 pa lang tayo. Pero yung verse 2 na yung kinakanta mo. Nung monday ka pa ganyan eh."
"Ganoon ba? Sorry."
Two weeks na lang pala bago ang concert kaya busy na talaga ang mga 3rd year at 4th year. Lagi akong wala sa focus.
"Okay lang. Kung gusto mo, magpahinga ka muna. Ang haggard mo na oh."
"Sige. Salamat Xyrus."
"Saglit lang."
May kinuha siya sa bag niya at bumalik ng nakangiti.
"Gumawa pala ako ng Chocolate Kisses Milkshake kanina bago ako pumasok. Pasensyahan mo na kung hindi masarap ah. First time ko kasi gumawa niyan eh."
Hindi na ko sumagot at agad kong ininom yung binigay ni Xyrus.
"Hoy! Dahan dahan lang! Mabilaukan ka niyan!"
Pagkainom ko eh ngumiti ako ng pagkalapad sakanya.
"W-wag ka ngang ngumiti ng g-ganyan!"
Nginitian ko ulit si Xyrus at niyakap ko siya. Napagaan niya ng sobra ang loob ko eh.
"A-anong ginagawa mo? H-hoy!"
Inubob ko lang yung mukha ko sa balikat niya. Naramdaman ko naman yung kamay niya sa likod ko. Ibig sabihin, niyakap niya rin ako...
"Virus, thank you ah. Napagaan mo ng sobra ang loob ko."
Bumitaw siya sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang braso ko.
"Diba nga kaibigan kita? Dapat sinasabi mo saakin mga problema mo. Teka, anong oras na ba?"
"10 minutes before dismissal."
"Hmmm. Mag ayos ka na ng gamit mo."
"Ha? Hindi pa naman kaya time."
"Ah basta. Hihintayin kita sa labas."
BINABASA MO ANG
Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)
RomancePUBLISHED under LIFE IS BEAUTIFUL CREATIVES. Ano kaya ang magiging papel ng "sketch" sa buhay ni Xyza?