Sketch - 13

455 15 2
                                    


Sketch – 13


Ang sarap sa feeling! Cloud 9! Ang sarap naman yakapin ng unan ko! Matigas pero okay lang! Ayoko pang bumangon. Sarap sa feeling ng may nakayakap sayo eh!


"WAAAAAAAAA!"


Panira naman to sa tulog ko! Sino ba tong sigaw ng sigaw? Ah ewan! Bahala siya sa buhay niya. Siguro si Torrence yun. Che! Antok pa ko! Niyakap ko pa lalo yung unan ko at niyakap rin ako ng unan ko.


"Zared bat ka sumisigaw? Ginising mo na ba ate mo--- SUS MARYOSEP! SISA!" 


Psh. Linchek. Boses babae. Siguro si Jian yun. Ang ingay! Di ba nila nakikita na ang sarap sarap ng tulog ko dito?! Teka, sisa? Sila mama at papa lang naman ang tumatawag sakin niyan eh. Gaya gaya talaga si Jian. Pero...


Agad naman akong napatayo. Sisa?! Eh di nga alam nila Jian na Sisa ang tawag sakin nila papa at mama eh. Napatingin ako sa kakatayo sa pinto.


"G-good morning mama! Papa! *tingin kay Zared* bubwit -_-"


"XYZA!" 


Nagising naman yung limang kumag at sabay sabay napatayo. Hala. Nakakatakot ang aura ni papa!


"Xyza. What. Is. The. Meaning. Of. This." 


Hala. Pag nag english si Papa, galit na talaga yan. I mean, pag nanenermon na naka english mode si papa, galit na yan! Tsk. Tiningnan ko naman sila Xyrus at ganito ang mga pess nila:


Oliver: O___O (Konti na lang, uulwat na mata neto.)

Jian: ?___? (Ang LG talaga neto kahit kailan!)

Torrence: ^___^v (Talagang may gana pa tong mag peace sign?!)

Matt: ( _ _) (Anong meron sa baba at nakatingin ka diyan?!)

Xyrus: ( =_=) (Leche! Inaantok pa! Baka gusto niyang ako ang bumuka ng mata niya?!)


*sigh* 


I guess I'll have to explain this mess BY MYSELF. Aish! Hindi ako bagay mag english! Nakakahawa kasi si papa!


"Mama, papa. Ieexplain ko po---"


"TALAGANG MAGEEXPLAIN KA!" 


At sabay pa talaga sila? Hay nako.


"Sabi ko nga mageexplain na." 


So yun nga, sinabi ko lahat lahat. Nakita ko naman sa mukha nila mama at papa na okay lang kaso biglang umepal si Zared.

"Pero mama, papa. I saw Ate Xyza hugging that guy at yang lalaking yan ay niyayakap rin ang ate ko!"


Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon