Sketch – 18
Nagulantang naman ako masyado! Tsk. Sino kaya ang pipiliin ko sa dalawang to?!
"Uhm..."
Hindi ako makasagot eh! Pano ba naman, nakatutok sakin ang mata ni Xyrus at Zander at ang tropa ng dalawang kumag.
"Kung sama sama na lang kaya tayo?"
Yun na lang nasabi ko.
"HINDI!/NO!"
Sabay na naman na sabi ng dalawang gagu. Teka nga...
"Asan sila Mac at Jian?!"
"Nauna na sa canteen." -Xyrus
"Gutom na raw sila." -Zander
Lecheng mga yun! Mang iwan daw ba!
"Okay so tayong tatlo na lang kaya ang sabay sabay. Nauubos ang oras natin sa pagtatalo eh."
Tumango naman yung dalawang mokong at pumunta na kami ng canteen.
*canteen*
Asan yung mga kumag? Ayun. Sabay sabay kumakain ang walo habang nagatawanan.
"Ayun sila oh. Lapitan natin."
Sumunod yung dalawa sakin.
"BWAHAHAHAHAHA! BAGAY NA BAGAY!" -Kenneth
"LOVE TRIANGLE TOL! NYAHAHAHA!" -Matt
"BUTI NA LANG INIWAN NATIN!" -Lloyd
"ANG SABIHIN MO, GUTOM KA LANG! ULOL!" -Torrence
"ANDIYAN NA SILA!"
Akala mo Oliver di ko narinig ah. Nagpasimple na lang ako na parang wala akong narinig.
"Hoy! Kayong mga kumag kayo! Ang daya niyo! Bigla bigla na lang kayo umalis kanina!"
"Sensya naman! Gutom na kami eh!" -Jian
"Tsaka mukhang matatagalan pa kayo sa pagtatalo kaya nauna na kami dito. 30 minutes lang kaya ang break!" -Mac
"Tingnan mo tong si Lloyd. Kulang na lang, pati buto ng chicken, papakin! Hahahahahaha!"
BINABASA MO ANG
Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)
RomancePUBLISHED under LIFE IS BEAUTIFUL CREATIVES. Ano kaya ang magiging papel ng "sketch" sa buhay ni Xyza?