Sketch – 9
"Psst."
Babatuhin ko na to ng ballpen si Jian. Promise! Kanina pa sitsit ng sitsit! Nakakairita! Hindi naman sa pagiging feeler pero sino pa nga ba ang tritripan niya dito? Alangan namang si Torrence? Eh ayun! Busy sa paglalaro sa cellphone niya. Si Matt? Hindi rin. Nageearphones eh. Si Oliver? Nakikinig kay sir. Si Xyrus? Hinding hindi! Tulog ang lolo mo. Nalate nga yan ng 1 hour eh. Tapos di pa nakikinig? Psh. Ibang klase talaga.
"Psst. Psst."
Kanina pa yan tulog eh. Nung recess, hindi bumaba. Nagtambay lang ng rooftop. Oy! Hindi ako stalker ha! Nakita ko lang siya tumaas kaya sigurado, sa rooftop lang ang punta nun. Ngayon naman, maglulunch time na. Tulog pa rin! Wag na sana siya magising. Bahala siya magutom diyan. Buti lang na mawala yang virus---
"Psst! Big shot! Psst! Xyza!"
"ANAK NG! ANG KULIT MO RIN NOH? KUNG SITSITIN KO KAYA YANG MUKHA MO?!"
*kruu* *kruu*
Natahimik ang klase...
"Why are you shouting Ms. Villarosa? Is there any problem?"
Oh shet. Anong palusot ko dito?! Leche! Hindi ako magaling sa pagpapalusot!
"Uhmm sir. Kasi po---"
"Mam! Ay este, sir! Tulog po kasi si Xyza eh. Tapos biglang sumigaw. Siguro nanaginip lang siya."
Pagkasabi nun ni Jian ay tawanan ang buong klase. Wew! Mas okay ng tawanan ka kaysa mapagalitan ka. May utak rin pala to si Jian eh. Psh.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Kaninong tawa yan? Kay Torrence lang naman po.
"CLASS! THAT'S ENOUGH! Ms. Villarosa. I don't want to see you sleeping in my class again. Understood?!"
"Yes sir."
"Okay. Please listen to the discussion."
Pagkatango ko, tumingin ako sa likod ko ay nakita ko si Mac na nakakunot noo at medyo namumula ang mukha. Problema neto?
"Uy. Anyare sa mukha mo?"
Shempre hininaan ko lang boses ko. Baka mapagalitan na naman ako eh.
"Wala! Tss."
"Ay? Sunget!"
"Tch."
Meron ata si Mac ngayon. Joke. Hahahaha PMS? De joke lang. Hyper na naman ako ngayon eh.
BINABASA MO ANG
Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)
RomancePUBLISHED under LIFE IS BEAUTIFUL CREATIVES. Ano kaya ang magiging papel ng "sketch" sa buhay ni Xyza?