Sketch – 33
Zander's POV
"SHIT! XYZA! TUMABI KA!"
Tumakbo ako papalapit kay Xyza---
"ZANDER WAG!"
Napabangon ako sa kama ko at napahawak sa dibdib ko. Ang bilis ng takbo ng puso ko. Naramdaman kong naguunahan sa pagpatak ang malamig na pawis ko. Tae. Ano yun?! Anong ibig sabihin ng panaginip na yun?! Pumasok ako sa CR sa loob ng kwarto ko at naghilamos. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at di ko namalayan, may tumulong luha galing sa mga mata ko. Di ko kaya. Di ko kaya kung mangyayari yung panaginip na yun. Kaya hangga't maari, proprotektahan ko si Xyza sa lahat ng makakasama sakanya. Nagbihis ako at bumaba ng kusina parauminom ng tubig. Pagkainom ko ng tubig, lumabas ako at pinaandar ang kotse ng daddy ko. Wala naman si dad kaya okay lang. Binilin niya naman to saakin eh. Napatingin ako sa oras. 10 na pala ng gabi. Makapunta nga munang coffee shop at bibilhan ko si Xyza ng favorite niya na Chocolate Mousse Cake at Chocolate Kisses Milkshake.
Pagkarating ko naman ng hospital, pinark ko na yung sasakyan at pumasok na. Buti na lang at kilala na ko ng guard kaya hindi na ako hiningian ng ID. Pumasok na ko ng elevator at naglakad papuntang kwarto ni Xyza. Pagkabukas ko ng pinto, walang tao. Saan naman kaya nagpunta yun? Pasaway talaga. Sabi ng doctor, bawal siya mapagod. Tsk. Di kaya nasa rooftop yun? Sa school, dun din ang tambayan niya pag wala siyang kasama eh. Nilagay ko muna sa mesa yung binili kong pagkain sakanya at lumabas ako ulit ng kwarto niya. Habang umaakyat ako papuntang rooftop, may naririnig akong kumakanta.
Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba
Wag ka ng mawawala
Hmm... walang iba.
Boses ni Xyrus yan. Kasama niya ba si Xyza? Sumilip ako sa pintuan ng rooftop at tama nga ang hinala ko. Kasama niya si Xyza. Nakasideview sila saakin. Nakawheel chair si Xyza at umiiyak siya. Lumapit si Xyrus kay Xyza at inabot ang isang boquet ng bulaklak at lumuhod ito sa harapan ni Xyza. Bigla naman nagsalita si Xyrus. Habang sinasabi ni Xyrus yung mga yun, di ko maiwasan na malungkot.
"Xyza. Alam ko masyado akong selfish sa hihilingin ko. Pero gusto kong makasama ang taong mahal ko. At ikaw yun. Gusto kitang makasama. Oo. Alam kong kami ni Nina pero di ko kakayanin pag nawala ka. Ayaw kong mapawalay ka saakin. Ibang iba ka sa mga ibang babae diyan. Ibang iba ka kay Nina. Bungangera, mahilig manuntok o mangbugbog, mapangasar, pranka, maingay, warfreak at totoo sa sarili. Ikaw yan. Kahit mahilig kang manuntok o mangbugbog saaming mga lalaki, mapagalaga at mapagmahal ka sa kapwa mo. Hindi ka makasarili. Okay lang sayo na masaktan ka basta yung mga mahalaga sayo, hindi. Kaya kita minahal ng dahil diyan sa mga ugaling mong yan. Ikaw lang ang nagiisang kalabasa ng buhay ko. Tandaan mo yan. Promise ko sayo. Pag naayos ko na ang lahat at pag nasabi ko na kay Nina lahat, hindi ka na mahihirapan. Hindi na tayo mahihirapan. Hindi na natin itatago ang meron tayo. Gusto mo, ipagsigawan ko pa sa buong mundo na tayo?"
BINABASA MO ANG
Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)
RomancePUBLISHED under LIFE IS BEAUTIFUL CREATIVES. Ano kaya ang magiging papel ng "sketch" sa buhay ni Xyza?