Sketch – 34
Xyza's POV
1 week na pala ang nakalipas simula ng nadischarge ako sa hospital. Waaaaa! Kinakabahan ako! Ngayon na kasi ang concert. As in ngayong araw na! Buti na lang inextend ng 1 week kasi kung hindi, ay ewan. Di ako prepared kung last week ginanap yung concert. Bumangon na ko sa kama at nagunat unat. Hay---
"XYZA! GISING KA NA BA?!" -Kuya Liam
"GISING NA OY! ANONG ORAS NA NAKAHILATA KA PA DIYAN!" -Kuya Dan
"NGAYON YUNG CONCERT NIYO DIBA? BANGON NA!" -Kuya Karl
Ayan na naman po sila. Ang mga magugulo kong pinsan -_- Tuluyan na kong bumangon ng kama at pumasok ng banyo. Pagkatapos ko magtoothbrush, shempre nagsuklay ako. Tumingin ako sa salamin and yep! I'm ready for another day! Pagkabukas ko ng pintuan, naabutan ko yung tatlo na nagaagawan ng cellphone.
"Ehem."
Napatingin naman yung tatlo at biglang tinago ni Kuya Karl yung cellphone sa bulsa niya.
"Yo Xyza. Good morning."
Binati ko rin si Kuya Liam ng good morning at nginitan ko siya.
"Buti naman at gising ka na. Ngayon yung concert niyo kaya dapat ready ka na."
"Oo naman Kuya Karl. Ready na ko noh."
"Psh. Sleeping baboy."
Tiningnan ko naman si Kuya Dan at binatukan -_-
"Aray naman Xyza! Matatanggal ulo ko neto sayo eh!"
"KASI NAMAN, ANONG SLEEPING PIG KA DIYAN?!
"Tss, Ang baboy mo kasi matulog."
"Baboy mo mukha mo! Diyan muna nga kayo! Gutom na ko!"
Padabog naman akong bumaba ng hagdan at narinig ko naman na sumigaw yung tatlo sabay tawa -_-
"EAT WELL KALABASA! HAHAHAHAHAHAHAHA!"
Talagang nangasar pa sila ah? Ang gago talaga ng mga pinsan ko.
-0-0-0-0-
Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin. Napatingin ako sa damit na suot suot ko. Eto yung damit na binili saakin ni Xyrus. Pati nga tong heels na suot ko, binili niya rin eh. Napangiti na lang ako ng naalala ko yung mga pangyayari na yun.
"Dalaga na ang anak namin!"
Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ko si Papa at Mama na nakatayo sa pinto at nakangiti saakin. Nginitian ko naman sila pabalik. Pumasok na sila Mama at lumapit saakin.
BINABASA MO ANG
Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)
RomancePUBLISHED under LIFE IS BEAUTIFUL CREATIVES. Ano kaya ang magiging papel ng "sketch" sa buhay ni Xyza?