Sketch - 29

478 11 0
                                    


Sketch – 29


Xyza's POV


Tsk. Nakakabadvibes naman! Bat siya nandoon kanina?! Sinira niya na nga ang araw ko, pati ba naman gabi ko sisirain niya pa?! Aish! Nga pala, dito matutulog yung mga gago. Di kasi uuwi sila mama at papa eh. At eto namang si mama, pinagbigyan ang gusto ni Zared na dito daw matulog ang mga gago.


"Ate! Saan ka galing? Hinahanap ka nila Kuya Oliver!"


"Nagpahangin lang sa labas. Nakita ko na sila. Nauna lang ako dito. Pabalik na rin yung mga yun."


"Ahhh. Okie! Nga pala ate. Nagtayo kami ng bonfire nila Kuya Zander sa garden."


"Talaga?"


"Yep! Tsaka may mga tent rin!"


"Wow! So hindi tayo sa kwarto matutulog?"


"Hindi yey!"


"Sounds good! Gagawa tuloy ako ng s'mores. Alam kong paborito mo yun."


"Waaaaaa! S'MORES! YEY!"


"Hahahaha maghuhugas lang ako ng kamay."


"Okie!" 


Pumunta naman ako ng banyo habang si Zared, naiwan sa sala.


"Hi mga kuya! Nasa CR si Ate Xyza--- anong nangyari sa mukha mo Kuya Zander at Kuya Jian?" 


Bumalik ako ng sala at nakita ko naman na may pasa ang mukha ni Zander at Jian.


"O? Anyare sa mukha niyo? Nag away kayo?"


"Hindi. Nakipagsuntukan tong dalawa kay Xyrus." -Mac


"ANO?! NAHIHIBANG NA BA KAYO?! Bakit kayo nakipagsuntukan kay Xyrus?!"


"Nakipagusap lang naman kami eh." -Jian


"Oo nga. Nagkainitan lang. Tsaka, siya naman yung nauna eh." -Zander


"Nakipagusap? Ganyan na ba magusap usap ngayon ang mga lalaki? May kasamang suntukan?! Tsaka sana, di niyo na pinatulan yung ulol na yun."


"Sorry." -Jian


"Sorry bespren." -Zander


"Tss. Mga basagulero talaga kayo. Kukunin ko lang yung first aid kit. Teka." 


Pumunta ako ulit ng banyo at kinuha yung first aid kit. Babalik na sana ako ng sala kaso pinakinggan ko muna yung pinaguusapan ng mga lalaki.

Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon