Sketch - 1
(a/n: Xyza's picture below.)
"Miss, ibigay mo na ang bag mo kung ayaw mong masaktan."
"Huh? Kahit hindi ko ibigay ang bag ko, di ako masasaktan. Dahil kayo ang bibigyan ko ng sakit sa katawan!"
Lumapit ang dalawang lalake na may hawak na patalim. Unang lumapit yung lalakeng may cap na balbas sarado. Sasaksakin nya na sana ako pero yumuko ako, binunggo ko ng malakas ang kanyang sikmura gamit ang ulo ko at saka ko hinawakan ang bewang nya at hinagis siya sa kumpol ng basura.
"Yan ang SUPER ULTRA ELECTRO MAGNETIC TACKLE KO!"
"Hindi ka uubra sa akin!" Sabi nung matabang may hawak na swiss knife.
Sinugod ako ng lalake mula sa likuran ko, pero naunahan ko sya at hinawakan ko ang dalawang daliri nya at saka binend ito hanggang sa makarinig ako ng malakas na...
*CRACK*
Napangiwi sa sakit ang lalake, hinigit nya yung kasama nya mula sa basurahan at tumakbo ng walang imik.
"Mga duwag! Bumalik kayo dito! Sakit ng katawan hanap niyo diba?!"
Mga bwisit na ito ang lalakas ng loob mangholdap, mga wala namang binatbat.
"Ano masasabi mo ma? Galing ko diba? Sabi ko sayo hindi ko na kailangan ng tulong eh."
"Oo na ikaw na magaling. Tara na at malalate ka sa first day mo."
Yan ang mama ko. Ang kilabot na Denise Buendia ng dati kong school na St. Anne's at ang bago kong school na CSDA. Idol ko talaga sya. Ang kulit ng kwento ng buhay niya, halos parang di kapanipaniwala.
Napatingin ako sa orasan ko, oo nga pala! Nakakainis talaga! Sinayang lang nila oras ko! Sumakay na kami ng trycicle ni mama para makarating agad sa school. Nagkiss na ako at nagpaalam na.
"Bye Xyza! Umiwas ka sa gulo, kung pwede lang?"
BINABASA MO ANG
Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)
RomancePUBLISHED under LIFE IS BEAUTIFUL CREATIVES. Ano kaya ang magiging papel ng "sketch" sa buhay ni Xyza?