Sketch – 25
Napayakap saakin si Xyrus kaya napayakap rin ako sakanya. Inubob ko lang yung mukha ko sa dibdib niya kasi natatakot ako. Eto na ba talaga ang katapusan ng buhay namin?!
"XYZA! WAG KANG BIBITAW! PROPROTEKTAHAN KITA!"
Mas lalong humigipit yung yakap niya saakin kaya naiyak ako...
"X-XYRUS!"
*CRASH!*
"Iho? Iha? Okay lang ba kayo?! Taeng pusa naman kasi to oh!"
Napamulat ang mata ko. Pagmulat ko, nakita ko na nakayap pa rin saakin si Xyrus pero nakapikit mata niya.
"X-xyrus?! Gumising ka! Hoy! A-ayos ka lang?!"
Nagcracrack na ang boses ko habang sinasabi ko yun sakanya. Lunok na rin ako ng lunok ng laway ko para pigilan ang mga luha ko pero wala. Bumuhos pa rin.
"Hoy virus! G-gumising ka naman oh! Pano na ang concert natin niyan?! XYRUS! G-GUMISING KA! WAG MO NAMAN AKONG IWAN PLEASE! D-DI KO KAYA!"
"Iha? Anyare sa kasama mo? Kelangan na ba natin siyang idala sa hospital."
Tumango lang ako at niyakap ko pa ng mas mahigpit si Xyrus.
"Ang OA naman neto. Buhay pa ko."
"G-GISING KA?!"
"*smirk* Di mo kaya?"
"ARGH! BWISET KA! DIYAN KA NA NGA!"
Pinahiran ko yung luha ko at bumaba ng tricycle. Nabundol kasi yung tricycle sa puno pero akala ko may nangyare sakanya o nasaktan siya... SANA NASAKTAN SIYA! Aish! Iniwan ko yung mga binili namin dun. Kaya ko naman bumili gamit ang sarili kong pera. Bahala siya doon.
"KALABASA! H-HOY! NAGBIBIRO LANG NAMAN AKO! HAHAHAHAHA! GINAWA MO NA RIN KAYA SAAKIN TO SA CLINIC!"
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Galit pa rin ako sakanya. Ano naman kung ginawa ko na to sakanya sa clinic?! Iba yun sa ginawa niya ngayon!
"O ANO NAMAN?! SA TINGIN MO MAGANDANG BIRO YON?! HA?!"
"Sorry na nga eh. Eto naman."
"SORRY?! SORRY MO MUKHA MO!"
Naglakad ako palayo sakanya at tumulo na naman ang luha ko. Bat ba siya ganyan?! Halos manikip nikip ang dibdib ko ng nakita ko siyang nakapikit at akala ko nawalan na siya ng malay tapos yun pala, nagbibiro lang siya! Ang sama niya! Ang sama sama niya!
BINABASA MO ANG
Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)
RomancePUBLISHED under LIFE IS BEAUTIFUL CREATIVES. Ano kaya ang magiging papel ng "sketch" sa buhay ni Xyza?