Sketch – 12
Walanjo! Lasing na lasing na talaga ata tong si Xyrus eh! Ang lakas ng tama! Kung ano ano na lang ang lumalabas sa bibig.
"SHAYSHAAA! MWA!"
Gawin daw bang Shaysa ang Xyza? -_-
"YUCK XYRUS! MANDIRI KA NGA!"
"ETO NAMANG SHI DENISH EH! HINDI MABIRO! HUHUHUHU!"
"PWEDENG ITIKOM MO YANG BIBIG MO?! MAKAKATIKIM KA NA TALAGA SAKIN! PASALAMAT KA NGA AT AKO ANG UMAAKAY SAYO! SIGURO KUNG IBANG TAO, HINAYAAN KA NANG MAKNOCKOUT AT HUMILATA DITO SA SAHIG EH! PESTENG VIRUS TO!"
"Chill lang Xyza. Di din nga namin alam na ganyan malasing si Xyrus. First time eh. Konting pasensya---" -Oliver
"IBUHOS NA ANG BEER SA AKING LALAMUNAN!" -Torrence
"UPANG MALUNOD NA ANG PUSO KONG NA HIHIRAPAN!" -Matt
"BAWAT PATAK! ANONG SARAP! ANO BA TALAGANG MAS GUSTO KO?!" -Jian
"ANG BEER NA ITO O ANG PAG IBIG MO?!" -Xyrus
Suko na talaga ako sa mga to! Buti na lang at hindi nalasing si Oliver. Narinig ko na naman ang DAKILANG PAGBUNTOG HININGA ni Oliver. Kanina pa to sakaka buntog hininga eh. Akay akay niya kasi yung tatlo eh. Ako? Kakasabi ko lang na akay akay ko si Xyrus. Ganito yung posisyon nila Oliver:
Matt-Torrence-Jian-Oliver
Nakakapagod noh? Nakakaawa si Oliver. Tapos yung tatlo niyang inaalalayan eh daig pa ang isang special child. Mga abnormal - -
"Uhh Xyza. San natin dadalhin tong mga to?! Alangan namang isa isahin natin ang mga bahay nila?!"
"NO WAY! Tsk. Kung iwan kaya natin tong mga to sa kalsada? -_-"
"Hahahaha! Oo nga noh?"
Pagkasabi nun ni Oliver eh sabay sabay naman nagsalita yung apat.
"PLEASE! WAG!"
Hahahahaha! Natawa na lang kami ni Oliver. Pero... SAN NAMIN DADALHIN TO?! At tsaka 11:00 na ng gabi! Jusko po! May mahanap pa kaya kaming sasakyan dito?!
"Oliver..."
"Yup?"
Okay. Hingang malalim. Wala naman atang masamang gagawin tong mga to diba? At tsaka sa sala naman sila matutulog eh. Hindi naman pwede sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)
RomancePUBLISHED under LIFE IS BEAUTIFUL CREATIVES. Ano kaya ang magiging papel ng "sketch" sa buhay ni Xyza?