Sketch – 27
(a/n: Play the video below.)
Habang tumatakbo ako, may nabunggo ako at hindi ko inaasahan na sa lahat ng taong pwede ko pang mabunggo eh siya pa talaga?
"X-xyza?"
Tiningnan ko lang siya with my cold expression at dahil doon napayuko siya.
"Sorry."
"Tss. Sorry? In your face."
Tatakbo na sana ako kaso bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Let's talk. Please."
"Ano ba Zander! Bitawan mo nga ako!"
"Please."
"Wag mong salubungin ang init ng ulo ko kung hindi matatamaan ka talaga saakin!"
"Bakit ka u-umiiyak?"
"Wala ka na doon."
"B-best friend mo ko diba? Bat di mo sabihin saakin?"
"Gusto mo malaman kung bakit?! DI KO SAYO MASABI SABI DAHIL NOONG KAILANGAN KO NG TAONG MASASABIHAN KO, WALA KA! INIIWASAN MO AKO! Kaya kung pwede lang, BITAWAN MO ANG KAMAY KO!"
Imbis na bitawan ang kamay ko, hinila pa ako ng loko. Aba't sinusubukan niya talaga ang init ng ulo ko! Tingnan lang natin.
*PAK!*
"Tsk."
Bat di siya umaray o sumigaw? Sinipa ko na nga yung paa niya eh tapos TSK lang ang sinabi niya?
"Hindi masakit ang pagsipa mo saakin. Ang masakit, ipinagtatabuyan mo ko at paunti unting mong nilalayo ang loob mo saakin."
Nagulat ako sa sinabi ni Zander at sakto naman na nasa garden na kami sa likod ng school.
"Wow naman Zander! Nahiya naman ako sayo! Ako pa talaga ang nangtataboy at lumalayo! TINGNAN MO MUNA NGA ANG SARILI MO! Last week mo pa ako iniiwasan! Pag kasama ko sila Mac, di ka sumasama saamin! Pag kasama mo naman sila at sasama sana ako sainyo, umaalis ka! Ngayon, sino ang nangtataboy at lumalayo Zander?"
"NATATAKOT AKO XYZA! NADUDUWAG AKO PAG NANDIYAN KA!"
BINABASA MO ANG
Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)
RomancePUBLISHED under LIFE IS BEAUTIFUL CREATIVES. Ano kaya ang magiging papel ng "sketch" sa buhay ni Xyza?