Sketch – 36
(a/n: Play the video at the multimedia box.)
Zander's POV
Putsapang Xyrus yun! Ang epal! Kahit kelan talaga, ang epal niya! Noong kumakanta si Xyza sa rooftop tapos pinapakinggan ko at finifeel ko yung moment, bigla naman siya dumating. Tsk. Pero kung sakanya sasaya si Xyza, di ko na sila pipigilan pa. Masakit pero tatanggapin ko. Isa lang kasi pinaniniwalaan ko pag dating sa love. Love is putting someone else's needs before yours.
"Zander."
"Oh Mac?"
"May sasabihin ako sayo."
"Ano yun?"
"G-gusto ko si Xyza."
Tss. K.
"Alam ko."
"P-paano mo nalaman?!"
"Halata kaya na may gusto ka kay Xyza"
"Oo na oo na. Asan pala si Xyza--- oh. Speaking of Xyza. San papunta yun?"
Eh? Saan pupunta yun? Tinawag ko siya pero mukhang nagmamadali siya.
"XYZA!"
Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. May kutob ako na may mangyayaring masama. Kaya sinundan ko si Xyza.
"Hoy Zander. Saan ka pupunta?"
"Susundan si Xyza."
"Teka! Sama ako!"
"Wag na! Dito ka lang! Babalik ako. Pag balik ko kasama ko na si Xyza."
"Psh. Siguraduhin mo lang. Ingat."
"Ge."
Tumakbo na ako kung saan papunta si Xyza. Pagkalabas ko ng school gate, nakita ko naman siya pumara ng taxi at sumakay.
"XYZA! SANDALI LANG!"
Di lumingon si Xyza at tuluyan nang umandar yung taxi. Pumasok ulit ako ng campus at pumuntang parking lot. Buti na lang at dala ko yung kotse ni dad. Dali dali kong pinaandar ang sasakyan at sinundan si Xyza. Xyza hintayin mo ko.
-0-0-0-0-
Xyza's POV
BINABASA MO ANG
Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)
RomancePUBLISHED under LIFE IS BEAUTIFUL CREATIVES. Ano kaya ang magiging papel ng "sketch" sa buhay ni Xyza?