Sketch - 39

427 11 0
                                    


Sketch – 39


Xyrus' POV


"Kuya Xyrus..." 


Napatingin ako sa batang yumakap sa binti ko at binuhat eto.


"Zared? Anong ginagawa mo dito?! Sinong kasama mo?! Gabi na ah---"


Napatigil ako sa pagsasalita kasi niyakap niya ako habang umiiyak.


"K-kuya. S-si a-ate..."


"Anong nangyari kay Xyza?! Asan siya?!" 


Tinuro niya naman ang warehouse.


"Nandiyan siya sa loob?" 


Tumango lang ito.


"XYRUS!" 


Sila Jian. Dumating na pala sila.


"Anong nangyari?" -Mac


"Kuya O-oliver." 


Binuhat naman ni Oliver si Zared at yumakap lang sakanya ito. Hinawakan ako sa balikat ni Matt.


"Ano bang nangyayari?" -Oliver


"Sabi ni Zared, si Xyza daw nasa loob ng warehouse na yan."


"Anong ginagawa ni Xyza sa loob? -Torrence


"Sinong kasama niya?" -Justin


"Teka nga. Asan ba si Zander?!" -Lloyd


"Bago kayo nakapunta dito, di niyo ba nadaanan yung kotse niya? Nakapark sa isang gilid. Di kalayuan dito sa warehouse."


"Sakanya pala yun. Akala ko may kapareho lang siyang kotse." -Kenneth


"Pasok na tayo sa loob."


"Teka lang Jian. Wag tayong padalos dalos." -Mac


"Paano kung may nangyari ng masama kay Xyza?! Tara na kasi!" 


Narinig naming may nagsisigawan sa loob kaya lumapit na kami sa pintuan ng warehouse.


"Oliver dun kayo ni Zared kung saan nakapark yung kotse ni Zander. Di naman malayo yun dito."


 Tumango lang si Oliver at tumakbo na paalis kasama si Zared.


Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon