Sketch - 22

501 10 1
                                    


Sketch – 22


Xyrus' POV


Hanep. Buti na lang at nakasabit yung ID ni Xyza sa bag niya. Nung papasok na kasi kami ng gate, nagulat si manong guard kasi tulog si Xyza. Akala siguro, may dinala ako sa school na nirape ko -_- Inexplain ko naman kay guard na may asthma si Xyza at nasprain yung paa niya. Wala naman daw asthma si Xyza sabi niya pero bakit siya kanina parang nawawalan ng hininga? Hay nako.


Nasa clinic pala ako ngayon. Si Xyza, pinahinga muna. At tulog pa rin hanggang ngayon. Nilagyan na rin yun ng bandage sa paa kasi yun nga. Napamali yung bagsak niya ng dahil sa bwisit na bato na yun. Nakokonsensya talaga ako. At nagalala ako para sakanya. Hindi na muna nga ako pumasok sa first two subjects namin eh. Mamaya pa namang after lunchbreak kami magprapractice. Buong hapon kami may practice.


"Excuse me?"


"Ano po yun?"


"Gising na pala yung girlfriend mo."


"G-girlfriend? H-hindi ko po siya girlfriend!"


"Hahahaha kayo talagang mga kabataan ngayon. Denial." 


Hanep si ateng nurse. Mas may alam pa saakin -_-


"Promise ate. Hindi ko siya girlfriend."


"Hahahaha edi hindi. Lagay mo na lang pangalan at year and section niya dito sa record book tapos pwede ka ng pumasok sa kwarto niya."


"Okay po." 


Nilagay ko na yung pangalan niya at year and section namin sa record book. Xyza Denise Villarosa. Buti na lang at alam ko ang pangalan niya. Pagkatapos, pumasok na ako ng room at nakita ko siyang nakapikit. Akala ko ba eh gising na to? Umupo ako sa tabi ng kama niya at tinitigan ko mukha niya. Maganda naman pala to si kalabasa eh. Mukha lang ngang kalabasa. Joke hehe. Para saakin kasi, ang meaning ng kalabasa eh cute. Ayaw ko lang sabihin sakanya kasi baka suntukin ako -_- Pero seryoso. Maganda siya. Mahaba ang pilik mata, matangos ang ilong, kalabasa ang cheeks at kissable ang lips. What the? Anong pinagsasabi mo Xyrus?


"Hoy virus. Matunaw naman ako."


"GISING KA?!"


"Ay hindi tuloy! Tulog ako! Pikit nga mata ko oh. Tingnan mo. Pikit diba?"


"Tss. Kumusta na ang pakiramdam mo?"


"Okay na. Uhm, virus."


"Oh?"


"Salamat pala ah."


"Para saan?"


"Yung kanina. Tsaka sa pagdala saakin dito sa clinic. Mabigat ba ako?"

Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon