"Iba ka at iba rin ako,basta magkakaibigan tayo"

561 6 0
                                    


...
Sa isang pagkakataon
Tayo'y pinagtagpo sa iisang nayon
Nag-iisa't walang kakilala
Ngunit nagbabalak makipagsalamuha
.....
Sa umpisa'y nangunguna ang aking hiya
Marahil hindi ko pa sila lubos kilala
Namumuo sa aking isipa'y iba sila
Mga taong mabilis manghusga
...
Araw at buwan ang lumipas
Pagsasamahan namin ay lumalakas
Mga kulitan at hagakhak tila'y walang bukas
Dahil dito'y nagustuhan ko sila ng wagas
...
Ang isa'y higit na matalino
Inaasahan sa oras ng peligro
Maganda ang dulot nito sa grupo
Sapagkat kami'y natutulungan mo
.....
Hindi naman mawawala ang isang loko
Sa paningin ng iba'y barumbado
Kahit ganito ang kanyang pagkatao
Masasabi kong isa siyang taong may respeto
......
Kasalo namin ang isang taong tamad
Isang linggo bago magpakita't sa ami'y bubungad
Salamat sa Dios sapagkat siya'y umaangat
At hanggang ngayon patuloy at nagsusumikap
.........
Mayroong taong puno ng problema
Kaya naman pag-aaral niya'y delay na
Isang taong puno ng pangarap
......
Nasaan na kaya siya?
Sa aming grupo, siya'y pabibo
Maganda ngunit kilay niya'y malabo
Isang taong mabuti ang motibo
Umaasang magkakaroon din ng nobyo
.......
Hindi mawawala ang malapad sa amin
Mapalad kung aking tatawagin
Taong sosyal sa aking paningin
May bukal na puso't saloobin
........
Mayroon kaming batang antukin
Si Maria Clarang kung aking iisipin
Isang taong tahimik ngunit may bagsik
May ugaling kabilib-bilib at ika'y lalamunin
..........
Sa grupo, ika'y aking alipin
Kasama ko kung saan ko man naiisin
Masiyahin ka't maramdamin
Sana'y mahanap mo ang taong kaya ring mahalin
...........
Maraming bagay ang aking naranasan
Hindi ko na mabigkas dahil sa karamihan
Salamat at kayo ay aking kaibigan
Isang pamilyang puno ng pagmamahalan
............
Grupong eksperto sa kabaliwan
Madaming alam pagdating sa kalibugan
Bawat isa'y nagmumurahan
Kaya naman BULLIES kung bansagan
..............
Magkasalungat ang aming pagatao
Ngunit bakit sa isang bagay kami'y nagkakapareho
Tunay na kaibigan ba ang tawag dito?
................
Oo dahil iisa kami't walang magbabago
Kung darating ang panahong magsasarili na tayo
Dalangin ko'y kilala niyo pa rin ako
Isipin mo ang lahat ng ating pangako
.................
Sa gayo'y manatili ang bawat isa sa inyong mga puso
Hindi ko gusto ang matapos lang ito
Bagkos magsama tayo hanggang dulo
Maiwan man ang isa sa takbo ng karera
Habaan ang pasensya at sa dulo'y magkita
...................
Mga kaibigan kong kakaiba
Sana'y matupad ninyo ang bawat salita
Salitang puno ng pangarap at pag-asa
Upang ihandog sa ating pamilya
.....
Iba ka at iba rin ako, ngunit magkakaibigan tayo
Sa ating pagtanda'y bitbit ko ang ngalan ninyo
Hanggang sa muling pagkikita ng ating grupo
Dalangin ko'y tagumpay na ay ating natamo

Spoken Words (poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon