"Maling akala"

300 3 0
                                    

"Maling Akala"
By: P.J.C
............
Sa di inaasahang panahon
Pinagtagpo tayo ng pagkakataon
Mundo ay huminto
Paligid ay biglang naglaho
............
Ang iyong mukha nakaukit sa aking utak
Kapag ika'y nakikita puso ay humahalakhak
Paru-paro sa tiyan ay nagliliparan
Sa tuwing ikaw ay napapadaan
.............
Sana ay iyong mapansin
Itong pusong palihim kang mamahalin
Palihim na nagmamasid
Sa isang madilim na palagid
..............
Ramdam ko ang iyong saya
Kapag ako ang iyong kasama
Sana naman ako'y mayroong pag asa
Pangako hindi ka magsisisi pa
...............
Pero isang isang araw sabi ko iisa ang ating nararamdaman
Di masukat ang aking kasiyahan
Ngunit ilang sandali ika'y muling nagsalita
"Mahal kita, Pero pasensya ka na, ako'y pagmamay ari ng iba"

Spoken Words (poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon