"sana bukas"

230 6 0
                                    

By:NikeeEyaaa_07
......
Muli na nga akong makapagsusulat ng tula, tulang tungkol sa ating pagwawakas
at sa wakas maisisigaw ko na rin nang malakas
ang mga salitang matagal ng nasa rehas.
.....
Ang mga alaala nati'y tuluyan na ngang kumakalas
......
At sana, sana bukas
Wala ng matira kahit katiting na bakas
.....
Sana bukas
Wala ng kahit kaunting gasgas
......
Sana bukas
Wala ng kahit maliit na butas
.....
Sana bukas
Wala nang ikaw na magpapakilig, sa tuwing gigising ako sa umaga
.......
Sana bukas
Wala nang ikaw na dudungaw, sa bawat daraanan ko sa iskinita
........
Sana bukas
Wala nang ikaw na magpapakita sa aking mga panaginip na tuluyan ding maglalaho matapos ang aking pag-idlip.
........
Sana bukas
Matapos na nga nang tuluyan ang bukas
Dahil tulad ng araw, ang kinabukasan ay wala ring hangganan
.........
At sa tuwing darating ang bukas
ang pagmamahal ko sa iyo'y hinding-hindi magwawakas
........
Pero sana bukas
Matapos na ang lahat
Hindi dahil hindi na kita mahal
Hindi dahil wala na sa aking nagmamahal
........
Matapos na sana ang bukas
Dahil ayoko na
Ayoko nang maramdaman ang pag-iisa.
........
Hindi ko man kayang pigilan ang pagsikat ng araw sa silangan, kaya ko namang pigilan ang hangin sa aking katawan at tuluyan na ngang humimbing at magpasakop sa kadiliman.
.......
Kaya sana bukas, matapos na ang lahat
Dahil kung hindi, ako na mismo ang magwawakas sa sarili kong kinabukasan.
.......

Spoken Words (poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon