"sanay sa paglipas ng panahon"

212 3 1
                                    

By:QMCP
........
Mga araw na nagdaan,
Mga buwan lumipas ng tuluyan,
Sariwa parin ang pag-alis kahit tatlong buwan ng nakakaraan,
Walang sigundo, minuto at oras na di ko kayo iniisip,
Walang araw, linggo at buwan na di ko kayo nakita sa aking panaginip,
Inaalala kayo kasabay ng malamig na hanging sa akin ay umiihip.
.........
Mga ngiti't tawanan na gusto ko muling masilayan,
Mga haplos at yakap na gustong muling maramdaman,
Umaasang sa paglipas ng panahon ay muli ko kayong masisilayan,
Sinasariwa ang mga ala-alang wala nang sing tamis,
Sinasariwa ang mga araw na tayoy tumatawa, nagsasaya at tumatangis,
Sinasariwa ang mga panahong tila hangin na umihip ng kay bilis,
Mga ngiting naglaho ng parang bula,
Sa panahon ng paglisan na tila lahat ay nabigla,
Mga pinagsamahan bay ganun nalang kabilis na mawawala?
.............
Mga kaibigan na walang sawang gumabay sakin ay ngayoy nakatulala sa hangin,
Ramdam ang bawat pighating nadarama dahil sa paglisang aking gagawin,
Umalis akong baon ang mga pangakong balang araw ay akin ring tutuparin,
Nakarating ako't sinalubong ng mga taong puno ng ngiti pagkalak ang mga mukha,
Ngunit di inasahang luha'y tumulo nalang bigla,
Sa kadahilanang sinalubong ako ng ngiti at nag iwan ng luha,
Sana'y sa Paglipas ng panahon tayo'y muking magkita,
Sanay sa paglipas ng panahon ay makasama ko kayong muli sa bawat sayang aking nadarama,
Sanay sa paglipas ng panahon kayo muli ang maging dahilan ng aking pagtawa,
Sana matupad lahat sa paglipas ng panahon,
Sana nga💔
.............
Para sa mga pinakamamahal kong kaibigan,

Spoken Words (poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon