"Sa panaginip"

267 6 0
                                    


...
Isang araw tayo'y naglakbay, Nakangiti, masaya, at hindi namalayang  magkahawak ang mga kamay
Sa dalampasiga'y naglalakad at nilalanghap ang sariwang simoy ng hangin,
Sa dulo ng dagat at ng mga mapuputing buhangin.
Tumingin ako sa'yo, at nagsimula kang magsalita,
Ikinwento mo sa akin ang mga bagay na 'di mo pa nagagawa,
BINIGKAS ng iyong labi ang mga bagay na gusto mong mangyari,
Ang lahat ng bagay na dapat mong ginawa,
At ang mga bagay na hindi mo dapat ginawa,
Ikinuwento mo sa akin ang lahat ng kaganapan,
Kung pano ka natakot at pano mo ito nilabanan,
Ang mga bagay na ganoon at ang mga bagay na ganito at ang lahat .. lahat ng gusto mo sa mundo
Bigla kang pumikit,
Kumalma ang magandang mukha na sa akin ay nagpaakit,
Sinimulan kitang titigan at ikay bumulong,
Kasabay ng paghampas ng mga nakamamanghang mga alon,
Na para bang nagpupumilit sa dakpin ka,
Tulad ng pag-aasam kong mayakap kita
Ng MAHIGPIT, Upang MALIGPIT,
Ang mga bagay na sa akin ay bumabagabal,
Humaharang sa daan na para bang pader na bakal,
Na parang isang lubid na napakahaba na humihila sa'yo, Papalayo sa inaasam at pinapangarap mong mundo
Ngunit ang lahat ng problema't hirap, at ang lahat ng ito Nagsimulang mawala ng dahil sa'yo,
Nang dahil sayo ang mga problemay unti unting naglalaho, Ang mga bagay bagay ay binigyan mo ng pagbabago,
INALIS, mo sa kailalim-lalimang bahagi ng puso ko ang sakit na tinatago,
At ang mga magagandang ala-alay sa isip ko ay ipinako
At nakita ko yung inaasam kong mundo,
IKAW
Ikaw yung mundo ko,
Ang mundong matagal ko nang pinapangarap,
Na kapag lalakbayin ay para kang nasa ulap,
Sumasabay ang hangin na humahaplos sa atin,
At saksi sa paligid ang mga naggagandahang mga tanawin
....
Nagsimula akong pumukit,
At ang pagmamahal mo'y randam na randam ng puso ko't isip ,
Hindi mawalang ngiti ang nagpatunay sa kasihayang nakamit,
At sa mga oras na iyon wala na yung sakit
Pero nung sinubukan ko nang imulat ang aking mga mata,
At tinanggap ang mga nangyaring panaginip lang pala
Naisip kong sinayang ko yung pagkakataon,
Hindi ko nagawang magsalita at ng sa isip mo ay ibaon,
Hindi ko nabigkas at di ko naiparamdam ,
Ang nararamdaman ko para sayo kahit sa panaginip man lang,
HINDI KO NAGAWA
Hindi ko naipakita, hindi ako nagsalita ,
Hindi mo rin narinig at hindi ako natuwa
Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin mo kapag narinig mo ang mga katagang "mahal kita"
Oo MAHAL KITA
At ito yung tunay kong nadarama,
Ikaw yung bumuhay sa puso kong MATAMLAY,
NA PINATAY
Ng mga problemang sa akin ay umangkin ,
Silay bilang naglaho simula noong ikay dumating
...
Buhay nga naman ano kahit mahirap ,
Okay na yung ganun bastat libre ang mangarap,
Magagawa mo lahat sa isip at imahinasyon ,
Makukuha mo yung mundo kahit sa saglit na panahon tulad nung isang araw tayoy naglakbay ,
Nakangiti , masaya at syempre hawak ang mga kamay
Sa dalampasigay naglalakad at nilalanghap ang sariwang simoy ng hangin
Sa dulo ng dagat at ng mga mapuputing buhangin
Kahit saglit ay naramdaman kong maging masaya ,
Naranasang mangarap kasama ka,
Karanasang siguradong sa panaginip ko lang matatamasa,  Karanasang sa tunay na mundo ay hinding hindi ko makikita

Dedicated to- JLF

Spoken Words (poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon