"Nasan kana"

405 7 0
                                    


...
"Asan ka na?"
Asan ka na? Bakit biglang nawala? Aasa pa ba ako?
Subalit mahirap umasa na may pag-asa sa pag-asang walang kapag-a-pag-asa. Bakit? Paano? Nagkulang ba ako? O sadyang may kulang lang talaga sa sarili ko? O hindi lang ako sapat para sayo? O sadyang hindi lang talaga ako para sayo?
...
Asan ka na? Asan ka na? Hinahanap ka ng puso ko. Puso kong walang ibang ginawa kundi ibigin ang isang tulad mo. Ibigin ang isang tulad mong binitawan ako. Binitawan ako at bigla nalang sumuko. Sumuko na hindi man lang sinubukang tumayo. Ganon nalang ba kadali para sa'yo na ako'y iwan? Iwasan? Bakit hindi mo ako pinaglaban? Oo nga pala, hindi ka sundalo. Pasensya na Mahal ko.
...
Hindi ko alam kung aasa pa ako na may pag-asa pa para sa dating ''TAYO". Dating tayo na IKAW lang at AKO. Dating tayo na nagmamahalan kahit hadlang ang mundo.
...
Tama ba ako? O tanga ako? Tama ba akong umasa na babalik ang dating TAYO? o TANGA ako kasi umaasa ang isang tulad ko na babalik ka kahit alam kong malabo?
...
Asan ka na? Asan ka na? Mahal na mahal pa rin kita. Kahit wala na ang AKO sa buhay mo at napalitan na ng SIYA. SIYA na bilang BAGO at AKO na bilang LUMA.
...
Ang hirap tanggapin na hindi ka na sa akin. Ang hirap palang isipin, ano pa kaya kapag TANGGAPIN?
...
Masaya naman tayo sa dating "TAYO" na IKAW lang at AKO. Ngunit simula 'nong nagkaroon ng SIYA, bigla nalang nagbago ang TAYO.
...
Ngunit kung saan ka maligaya, hahayaan kita. Kasi sobrang mahal na mahal kita. Makita lang kitang masaya, masaya na rin ako. Sapagkat ang kaligayahan mo ay kaligayahan ko.
...
Hanggang dito nalang siguro ang HABANG BUHAY nating pangako. Mga pangakong ipinako. Mga pangakong parte nalang ng mga ala-ala. Ala-alang hindi na mauulit pa. Ala-alang magsisilbi nalang na ALA-ALA.
...
Maging masaya ka Mahal ko. Hanggang dito nalang TAYO. Paalam Mahal ko.

Spoken Words (poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon