By:NikeeEyaaa_07
.........
Ikaw at ako,
Ikaw na walang ako
At ako na walang ikaw
Ikaw na pinapangarap ko,
At ako na nagpapakatanga sa'yo.
.............
Tanong ako ng tanong kung bakit,
Kung bakit ako ang napiling mahalin
At kung bakit ako ang napili mong Gaguhin!.
Umasa ako na magkakaroon ng tayo balang araw,
Umasa ako sa pangako mong singtaas ng araw.
............
Pero nasaan na nga ba?
Nasaan na nga ba ang pangako mo?
Pangako mo na napako na simula ng iwanan mo.
Naaalala mo pa ba noong sinabi mo na mahal mo ako?
Naaalala mo pa ba kung gaano ako kasaya 'non?
.........
Salitang tunay na nagpangiti sa aking mga labi
Ngunit biglang nawala ngiti sa aking labi,
Nang sabihin mong mahal mo ako dahil magkaibigan tayo.
Hindi ko alam pero biglang nagbago.
Yung dating tayo na sobrang saya
Nawala na.
.............
Nawala na yung nagpapasaya sa umaga ko.
Nawala na yung taong minahal ko,
Wala na, nawala ka na.
Ngayon ako'y nag iisa
Iniisip mga nakaraang ating nagawa
...........
Nakaraang puno ng kasiyahan,
Kasiyahan na alam kong di na muling mauulit pa,
Kasiyahan na napakahalaga
Na hindi mabubura ng kung sino pa
Tinatanong sa sarili kung ako ba?
.............
Ako ba ang siyang nang iwan?
O ikaw na parang bula na naglaho nalang bigla,
Sana dumating ang araw na matanggap ko
Matanggap ko na wala ka na,
Matanggap ko na merong ikaw at ako pero walang tayo.
BINABASA MO ANG
Spoken Words (poetry)
PoetryHello!Eto pong ginawa kong poetry ay may connection po tungkol sa friendship,lovelife,broken hearthed,Etc. -sana po maka relate kayo dito sa poetry na ginawa kopo -enjoy reading,I hope you like it