"Matalik kong kaibigan"

2.1K 6 0
                                    

"Matalik kong  Kaibigan"
By: Rica Mariz Reyes
...
Bata palang tayo'y magkaibigan na
Laging nagdadamayan lalo na kung may dumarating na problema
Minsan nga sinasabayan natin ang isa't isa kapag mga luha natin ay pumapatak na
Alam mo bang napakaswerte ko?
...
Dahil sa lahat ng tao sa mundong ito
Ikaw ang naging bestfriend ko
Na laging nakasuporta sa lahat ng gusto ko.
...
Tinanggap mo ako kung ano at sino ako kaibigan
Kaya dapat lang na ika'y aking pasalamatan
Dahil na din sa iyong natatanging kabutihan
Na isa ring naging dahilan ng pagiging matatag nang ating samahan.
....
Samahan natin na walang makakapantay kahit sino man
Kaibigan isa ka sa mga dahilan kung bakit ako'y masaya
Kahit na magkaiba tayo ng school na pinapasukang dalawa
Hindi man laging magkasama
Dama naman nating kung gaano natin kamahal ang isa't isa
Kung gaano tayo kasaya kapag tayo'y magkasama na
Tila walang paki kahit tayo'y gabihin na
Kapag nagkakaroon tayo ng bonding na dalawa
Dahil hindi tayo kuntento na maghapon lang kung tayo'y magkasama
Dahil sa di nauubusan ng kwento sa mga nangyayare sa ating buhay na maganda
...
Na kung pwede lang ay araw arawin na
Ngunit hindi naman pwede dahil tayo'y busy pa
Ngunit hindi naman pwede dahil tayo'y busy pa
Kaibigan salamat nais kong malaman no na
Sa buhay ko'y ika'y sobrang mahalaga
At sana samahan nating dalawa  ay magtagal pa
Kaya kaibigan salamat mahal na mahal kita.

Dedicated to-LCZ

Spoken Words (poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon