"Hanggang dito na lang"

363 8 0
                                    


...
Kaibigan lang walang tayo.
Kaibigan yan
ang meron tayo
pero bakit biglang nagbago,
Napakasaya at napaka lungkot
mga pinagdaanan sa isat isa.
....
Kaibigan patawarin mo sana,
kung ako'y nagkulang at nagsobra
sa pagmamahal na ibinigay,
Pagmamahal na dapat pang kaibigan
Lang pero mas nangibabaw ang pagmamahal
na pang tayong dalwahan na.
....
Pagmamahal na hindi nasuklian,
at pagmamahal na pang kaibigan lang talaga.
Kaibigan pakinggan mo sana,
mga hinanakit sa tuwing ika'y nagkukwento na.
Mga kwentong hindi tungkol saatin
pero tungkol sainyong dalawa.
Kaibigan nasasaktan ako, alam mo ba?
Sa tuwing masaya ka,
at sa tuwing napapasaya kaya niya.
...
Kaibigan sana'y nakikita mo
mga luhang nag uunahan sa pagpatak
at mga kamay na nanginginig
na parang may kinakatakutan.
...
Pagkakaibigan na nagbago ng biglaan
Pagkakaibigan na humantong sa salitang wala na.
Pagkakaibigan na hanggang pagkakaibigan nalang
at hindi magiging pagkakaibigan,
Masakit, sobrang sakit
mga hinanakit na hindi na kayang itago pa,
Masakit kaibigan na hanggang doon nalang,
masakit sa katotohanang minahal kita
pero may mahal kang iba,
Umamin ako ngunit binalewala mo,
pag amin na kay hirap pigilin.
Maraming beses nagtapat
pero maraming beses din bumagsak.
Pero naaalala mo pa ba nandito pa rin ako
kahit na wala na siya.
Dahil kaibigan kita, yun ang sabi nilang mas mahalaga.

Spoken Words (poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon