"dati"

181 4 0
                                    

By:KMM
.......
Napapansin kong sarili ko'y nagbabago
'Di na ako yung dating laging nakakausap mo
Bakit nga ba ako nagkaganito?
Tatanungin ko muna ang sarili ko.
......
Dati'y masaya ako kahit kayo lang ang kasama ko,
Talikuran man ako ng iba, basta't nanjan kayo ay ayos lang ko,
Ngunit isang araw, dumating sya't naging parte na rin ng mga buhay nyo
Hindi ko maintindihan, hindi ko matanggap,na ang dating samahan natin ay bigla nalang nagbago.
......
Ah, sandali! Ako lang pala ang nagbago
Sapagkat kahit anong pilit kong umarte na parang wala lang sakin, iba ang sinasabi ng puso ko.
Tanggapin mo! Maging masaya ka nalang! Tanggapin mo! Laging sigaw ng utak ko pero Paano?!
Nagseselos ako! Iyan ang totoo, pero hindi ko masabi sa inyo. Wala akong lakas ng loob na magreklamo.
......
Siguro nga mas masaya syang kasama, mas komportableng kausap at mas naiintimdihan ka,
Ang sakit isipin na ang dating lagi nyong kausap na Ako ay napalitan na ng Siya.
Pinipilit ko naman na maging masaya, maayos at makisakay sa mga trip niyo,
Pero kapag gagawin ko na, mga tawa niyo nalang ang naririnig ko.
Tila ba biglang tumahimik ang mundo ko at kasiyahan niyo nalang ang tanging napapansin ko.
......
Dati'y masaya ako tuwing magkakasama tayo, walang inaalalang iba kundi 'Sana laging ganito'
Pero ngayon na meron na siya, ang dating saya na aking nadarama ay unti-unting napapalitan ng lungkot.
Bakit? Bakit ako nagkaganito? Sana madali lang tanggapin ang lahat ng ito.
Ayoko na, ayoko na. Nasasakal na ako sa sitwasyon ko, hindi ko na kayang makita kayong masaya ng bagong kaibigan niyo.
Nasasaktan ako! Sana maramdaman niyo.
......
Sa huling talata ng aking tula, tatanungin kita aking kaibigan,
Hindi ko man ito maitanong ng harap-harapan, sana'y balang araw sumagi ito sa iyong isipan.
"Napapansin  mo ba ang aking pagbabago? Ani sa tingin mo ang dahilan nito?"
Kung ang magiging sagot mo'y 'hindi', sa tingin ko hanggang dito nalang tayo.
Paalam na kaibigan ko

Spoken Words (poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon