By:NikeeEyaaa_07
.......
Sa mundong ating ginagalawan,
Marami tayong pagdaraanan.
May mga bagay tayong pinapahalagahan
At mayroon tayong pangangailangan.
Bawat hamon sa ating buhay sa kasalukuyan,
Kailangan natin itong paglabanan.
Hindi tayo pwedeng panghinaan,
Ang kailangan natin mas tibayan ang ating kalooban.
......
Ano nga ba ang ibig sabihin ng
ROSAS SA LIKOD NG REHAS?
Bawat letrang aking sinulat,
Naghanap ng katagang makakabuo
ng pangungusap.
Upang ang magandang kahulugan ay aking maisulat.
Nagtataka siguro kayo,
Anong meron sa una kong naisulat, sa itaas ng aking akda.
May koneksyon ba ito?
At kung mayrooon, ano ba ito?
......
Kung ating pakatitingnan ang larawan,
At ang ating imahinasyon ay pakakawalan.
Marami tayong maiisip na kahulugan
At marami tayong malalaman.
Pwede natin itong maihalintulad sa buhay ninuman.
......
Sa unang tingin makikita natin,
Na tila ito ay preso na nangangailangan ng kalayaan,
Kalayaan upang makapagbagong buhay.
Kalayaan na mamuhay muli ng masaya
At mapawi ang kalungkutan sa likod ng kanyang rehas.
O di naman kaya isang tao,
Isang tao na nabigo sa pag-ibig at iniwan ng
kanilang minamahal kaya ikinulong ang sarili sa nakaraan.
......
Ngunit ito ay hindi naman natin pwedeng
Ihalintulad sa mga taong nahatulan
o taong nabigo at iniwan ng minamahal.
Kung palalawakin natin ang ating kaisipan,
Malalaman natin na lahat tayo may kanya kanyang rehas.
Rehas na mas nanaisin pa natin na dito magkulong
kaysa lumabas at humarap sa tao.
Rehas kung saan natin itinatago ang mga bagay
na ayaw nating makita ng iba katulad ng ating
mga bagabag, kalungkutan at hinagpis sa ating buhay.
Bakit tayo nagtatago sa rehas na mayroon tayo?
Kasi mas marami tao ang hindi makakaintindi sa atin.
Mas maraming taong manghuhusga,
Mas maraming tao ang sa atin ay tatatawa.
Kaya mas pinipili nalang natin ikulong ang sarili natin
sa lugar na mag isa lang tayo.
Ano pa bang rehas ang mayroon tayo.
Rehas na kinukulong natin ang ating kakayahan
dahil takot tayong sumubok.
Rehas na mas nanaisin nalang natin sumuko
kesa lumaban.
Rehas na mas nanaisin pa nating lumuha kesa tawanan
ang mga problema.
Rehas na mas nanaisin pa nating madapa kesa
tumayo at harapin ang lahat.
.........
Lahat tayo may kanya kanyang rehas.
Lahat tayo may kanya kanyang kulungan.
Lahat tayo ay tumatayo bilang rosas.
Sa kabila ng lahat,
tayo may kakayahan,
tayo may kaisipan,
tayo ay marunong lumaban.
Huwag naman sana nating piliin
na makulong nalang sa mga rehas natin.
Hanggat may rehas tayong tinataguan,
Hindi natin makikita ang tunay na kahulugan ng buhay.
Hanggat may ulan, may rosas na mabubuhay.
Katulad sa buhay natin,
Hanggat taglay pa natin ang buhay at lakas,
May diyos tayong kaagapay at patuloy na magbibigay
Ng katatagan ng loob para harapin ang bawat pagsubok.
...........
Kaya muli mong balikan ang simula ng aking sinulat.
Lahat ng bagay at nangyayari ay may kahulugan.
Nasa iyo nalamang kung pipiliin mo ang
mabuhay ng malaya o
mabuhay sa rehas na mayroon ka.
Hanggat may buhay,
Maraming pagsubok,
Maraming problema,
Maraming pagluha,
Maraming bagabag,
Huwag kang matakot at magtago sa rehas na mayroon ka.
Lumaban ka,
Harapin mo,
Kayanin mo,
Dahil ang rosas ay may panangga, ito ay ang kanyang tinik.
Ganon rin tayo,
Panangga natin ang tibay ng ating loob
At higit sa lahat panangga natin ang ating pananampalataya,
Na mayroon tayong nag iisang kakampi sa lahat ng hamon sa ating buhay at yun ay ang DIYOS NA NASA ITAAS,
ang nag iisang gumawa sa ATIN at sa mga ROSAS.
BINABASA MO ANG
Spoken Words (poetry)
PoetryHello!Eto pong ginawa kong poetry ay may connection po tungkol sa friendship,lovelife,broken hearthed,Etc. -sana po maka relate kayo dito sa poetry na ginawa kopo -enjoy reading,I hope you like it