"Magpalaya"

153 0 0
                                    

By:NikeeEyaaa_07

Bakit ganon ang hirap? Ang hirap magpalaya?.

Ang hirap mag palaya?😭hindi lang mahirap masakit din pala. Hindi mo alam kung pano sisimulan ang pagpapalaya, kung pano ka magpapalaya. Kung saan ka magpapalaya kung kaylan ka magpapalaya. Sobrang hirap magpalaya lalo na kung hindi mo pa kaya. Mahirap lalo na kung hindi mo pa balak na sya'y palayain na.

Ang hirap lalo na kung hindi mo pa balak na kalimutan sya,kalimutan o palayain ang mga nabuo nyo ng magkasama.
Ang hirap palagain ng mga alaalang inaalala na lang. Inaasahan ang mga alaala na sana isang araw mang yari ulit ang mga ito. Na sana isang araw bumalik na sya. Ngunit huli na ang lahat.


Lalo na ngayon na nasa kamay na sya ng iba!. Ang hirap mag paraya lalo na kung mahal mo pa. Pero tama na! Parayain mo na! .

Ikaw na lang kasi yung umaasa, umaasa na babalik pa sya. Ikaw na lang yung hindi pa nagpapalaya...

Ikaw na lang yung malungkot sa inyong dalawa... kasi sya masaya na. Masaya nasa piling ng iba.

Ikaw na lang yung umaasa sa inyong dalawa!. Kasi sya may mahal ng iba, pero ikaw tong umaasa ,umaasa pa na babalik sya sayo!.

Umaasa nasa pagbalik nya mahal kapa nya. Umaasa na ikaw padin yung mahal nya,kahit na harap harapan mo ng nakikita. Kahit na harap harapan na nyang pinapamuka sayo na wala na syang pagma mahal para sayo! Na wala kana lang para sa kanya.

At sana naman sa mga bagay na iyan ay mamulat kana sa katotohanan, sa katotohanan na wala na talagang pag-asa! Na wala na talaga yung dati nyang pagma mahal para sayo. At sana naman ay maging aral nayan para sayo. Tama na sinasaktan mo lang ang sarili mo. Tama na ang pagpapaka tanga. Tama na ang pananakit sa sarili mo. Tama na palayain  mo na...

Spoken Words (poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon