"Chat Conversations"

476 4 0
                                    

By:NikeeEyaaa_07

Dati tuwing online ka, bigla akong ngingiti. Kasi alam ko hindi mo makakalimutang ichat ako.

Dati kapag nakita kong online ka naghahanda na ako ng mga sasabihin ko sayo,kasi alam kong icha-chat moko.

Dati kapag mag o-online ako lagi akong nae excite. Bkit? Kasi alam kong magcha chat tayo at hahaba na naman ang ating pag uusap.

Yung kahit bagong gising kukunin agad ang cellphone para lang makapag online at para makausap ka, kahit hindi pa tumatayo ng kama at hindi panagsu supilyo.

Yung tipong inuna mo yung cellphone ni hindi mo man lang naisip na bumangon kasi baka hinahanap ako ni mama.Wala... Walang ganon bagcouse inuna mo yung cellphone. Inuna mo yung cellphone para ma ichat sya.

Yung kahit oras na ng pag kain tayo ay nag uusap padin, yung pagsa sabayin mo yung pagkain at pag chat para lang hindi sya mag off line at para lang mabigyan mo sya ng oras.

Yung tipong hindi mona namamalayan na tinatawag ka ng magulang mo sa sobrang busy mo sa cellphone sa kanya sobra na yung pagtutok mo sa kanya at dyan sa cellphone mo, kaya hindi mo na mamalayan na tinatawag ka ng magulang mo.

Yung sabay kayong magpu puyat para lang makapag usap kayong dalawa. Para lang masulit ang buong mag damag ng kayong dalawa ay magka chat.

Dati yun.

Namimiss na kita ngayon.

Kapag online ka hindi ko alam kung ichachat ba kita. Kung ichachat pa ba kita. Kasi dati ikaw yung nauuna. Ngayon wala na talaga. Hindi na kita ichachat kasi alam ko kapag online ka hindi na ako yung una mong kakausapin. May iba ka ng gustong kausapin.

Bakit ka nga ba naka online? Importante ba yang ginagawa mo? O baka kausap mo yung bago mo? Miss na miss na kita pero habang tumatagal at tuwing mag oonline ako alam kong wala ng pag-asang ichat mo ako. Alam kong iba na ang dahilan ng pag online mo.

Bakit sa tuwing makikita kong online ka, isa lang ang naaalala ko -- INIWAN MO KO, wala na yung dati mong pakikitungo.

Yung dating active na chat box natin, ngayon nakatengga na at alam mo kung ano pa yung mas masakit? Sa tuwing babalikan ko yung chat box natin; kapag nagba backread ako ng conversations natin, ang huli kong natatanaw palagi ay yung tinanggal mo yung nickname ko.

Sa akin nakatengga lang yung chat box, sayo kaya? Baka na delete mo na. Wala na akong magagawa pa. Paalam na.

Spoken Words (poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon