"kung sino pang nagma mahal ng totoo"

198 5 0
                                    


By: NikeeEyaaa_07
................
Kung sino pang nagmamahal ng totoo
Sila pa yung nasasaktan, naiiwan at nasasampal
Kung sino pa yung totoong nagmamahal
Sila pa yung kawawa, umiiyak at nasasakal
.................
Minsan naiisip ko, san ako nagkulang?
Parang ako sa puso mo'y walang puwang
Araw-araw pagmamahal ko sayo'y pinaparamdam
Pero sa huli ikaw parin ay nagpaalam
...............
Kapag nag-aaway tayo
Alam ko nasasaktan ka, pero doble ang nararamdaman ko
Kasalanan mo o kasalanan ko
Ako yung nagpapakababa para sayo
................
Ilang ulit mo nakong iniwan
Ilang ulit mo nakong sinaktan
Pero kahit ilang beses mo man ginawa lahat ng yan
Heto parin ako tinatanggap ka, handang handa ka ulit mahagkan
................
Tanga ba kung titignan?
Siguro nga ako sayo'y sadyang nagtatanga tangahan
Kahit ako'y nasasaktan
Ako parin sayo'y nagsusunod sunuran
..................
Mahal kita, Mahal moko
Pero bakit bigla kang nagbago
Bigla ka nalang sumuko
Bigla ka nalang bumitaw sayong pangako
...........
Minahal kita ng totoo
Minahal kita higit pa sa buhay ko
Pero mali pala yung akala ko
Yung akala kong ganun din nararamdaman mo
................
Minahal kita ng totoo
Pero sinaktan mo lang ang puso ko
Bigla mo nalang akong iniwan
Sa di malamang dahilan
.................
Tinatanong ko ang sarili ko
Bakit ikaw pa ang minahal ko
Tila ako'y nakagapos sayo
Puso ko'y naghihikahos sa sakit na nararamdaman ko
.................
Di malaman ang gagawin
Puso ko sayo'y nakatali pa di
Isip at puso ko sayo'y nakatuon parin
Ano aking dapat na gawin
.......................
Pero aking napagtanto
Di na tama ito
Ayoko ko na, di ko na kaya
Kailangan ko nang gawin ang tama
..............
Papalayain na kita
Papakawalan na kita
Kakalimutan ko nang minahal kita
Kasi ito yung alam kong tama
..................
Ako yung totoong nagmamahal sayo
Pero tinapon mo lang ako
Ang masasabi ko lang sayo
Sa oras na makita mo yung halaga ko, puso ko'y nakalimot na sayo

Spoken Words (poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon