"walang Tayo"

218 3 0
                                    

By:NikeeEyaaa_07
....
Sisimulan ko ito sa mga pangako mong,
Pangako mong malabong magkatotoo.
Naaalala mo pa ba yung panahong,
Panahong sinabi mong ika'y magbabago?
Sinabi mong ika'y magbabago,
Ibabalik ang mga nakasanayan nung bago pa tayo.
Pero ba't ganito?
Akala ko'y ako parin,
Yun pala'y ikaw na'y may bago.
Kasabay ng pag patak ng ulan,
Mga luhang matagal ko nang pinipigilan.
Mga luhang di ko inaasahang ikaw ang magiging dahilan.
Kasabay ng pagpatak ng ulan,
Mga damdaming gusto ko nang kalimutan.
Mga damdaming sa'yo lamang naramdaman simula noong nakalipas na mga buwan.
Maraming sumuporta.
Maraming umasa na may kahahantungan ang ating istorya.
Nasaktan ako. Oo sobrang sobra.
Pero ayoko nang umasa.
Alam ko'ng may iba kana,
At masaya ka tuwing kapiling mo siya.
Siguro nga 'di talaga tayo itinakda,
Sadyang pinaglaruan lang ng tadhana.
Magiging isang alaala nalang
Lahat ng panahong tayo'y nagsama.
Mga panahong tayo'y masaya.
Mga panahong walang problema.
Mga panahong parehas ang nadarama kahit na,
Kahit na walang sumpaan sa isa't isa.
Siguro nga oras na.
Oras nang kalimutan lahat ng magandang alaalang kasama ka.
Oras na upang ako'y sumaya.
Oras nang kalimutan ka,
Kagaya ng nararamdaman mong
Nawala ng parang bula.
"I may forget what you've said. But I'll never forget what you'd made me feel."
.....

Spoken Words (poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon