"lakas"

160 2 0
                                    

By:KJC
..............
Gaano ba ako kalakas sa paningin mo?
At palagi mo akong sinasaktan ng ganito?
Hindi mo ba naiisip na nasasaktan din ako?
Hindi mo ba naiisip na nahihirapan din ako?
.............
Siguro nga masyado akong malakas para sayo
Kasi kahit minsan hindi ako umiyak sa harap mo
Kasi kahit minsan hindi ako nagsalita tungkol sa nararamdaman ko
At sa sobrang lakas ko hindi ako masasaktan sa ginagawa mo
..............
Sana kahit minsan isipin mo naman yung nararamadaman ko
Kahit minsan pakiramdaman mo kung nasasaktan ako
Kasi hirap na hirap na akong itago ito
Itago ang sakit na nararamdaman ko
...............
Sigurado akong nagkaroon ka ng tanong sa isip mo
At ito ay "Bakit mo ba kasi kailangan itinatago?"
At ang sagot ko "kasi gusto kong maging malakas sa harap mo"
..............
Naipakita ko naman siguro sayo
Nasobrahan nga lang sa paningin mo
Kaya ito ako pinaninindigan ang pagiging malakas ko
Kahit sa loob ko durog na durog na ako

Spoken Words (poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon