"tuluyang natapos"

153 3 0
                                    

By:QMCP
......
Minsan tinatanong ko kung bakit mahal kita?,
Minsan nagtataka ako kung bakit naiisip kita bigla?,
Senyales na ba ito? Oh sadyang mapaglaro ang ang tadhana?,
..............
Sa bilyon-bilyong tao sa mundo bakit yung katulad mo pa?,
Yung katulad mong hindi marunong magseryoso't  magpahalaga?,
Magseryoso't Magpahalaga ng pusong umibig nalang sayo bigla,
.........
Mga salitang sin-tamis ng tsokolate,
Mga Banat mong tila may nakatagong mensahe,
Ngunit hindi mo pala kayang patunayan ang mga salitang kanyang sinasabe,
..........
Isang gabing malamig,
Katawan koy di mapigilang manginig,
Hinahanap ang yakap mo't malambing na tinig,
Sa gabing tila sinlamig ng nagyeyelong tubig,
Pero nasaan ka nung mga panahong iyon?
Nung mga panahong di ko alam kung saan ako paparoon,
Nung mga panahong nais kong sa putik ay umahon,
Pero Wala ka, wala ka't sa iba nakatuon ang iyong atensiyon,
...............
Isa ... Dalawa... Tatlo...
At dun mo na nga tinapos ang salitang "TAYO"
At iniwang magisa ang salitang "Ikaw"
na dati'y "Ikaw at Ako"
Salamat sa aral na binigay mo sinta,
Salamat sa sakit na natanggap ko't nadarama,
Mahal kita, pero di talaga tayo ang para sa isat isa💔
.......

Spoken Words (poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon