"Patuloy na umaasa"

354 7 0
                                    


...
Patuloy na umaasa, ako sa taong mahal ko.
Na alam ko'ng hindi ako ang mahal.
Patuloy na umaasa, na baka sakali.
Baka sakali na dumating din yung panahon .
Panahon na kaya mo ng suklian lahat.
Lahat ng pag ibig.
Pag ibig na ibinigay ko para sayo. Para sayo lang.
...
Ngunit, Ang pangarap kong pag ibig .
Pag ibig na matagal ng inaasam-asam mula sayo.
Ay hindi ko makakamtan.
Hindi ko na makakamtan, Dahil. May iba ng nag mamay-ari.
Nag mamay-ari niyang puso at pag mamahal mo.
...
Ako ay Patuloy na umaasa.
Patuloy na Umaasa na sana ako.
Sana ako nalang. Ako nalang yung nagpapasaya sayo.
Patuloy na umaasa na sana ako ang dahilan ng pag ngiti mo.
...
Ngunit Masakit .
Masakit.
Na dahil sa aking patuloy na pag-asa .
Na may pag-asa pang mapasakin ka.
Ay wala na. Wala na palang pag asa.
...
Kaya ngayon. Ngayon mas mabuti nalang na. Tigilan ko na. Tigilan ko na tong kabaliwan ko sayo.
Kabaliwang ikaw ang pinangarap ko, Pinangarap ko ngunit binale wala ako.
...
Pero Salamat. Salamat din.
Dahil kahit saglit lang. Naging parte ka ng buhay ko. Buhay kong walang kulay. Ng buhay kong walang galak .walang lahat dahil ngayon wala kana.
...
Pero ngayon. Ngayon akoy natuto na .
Natutong magmahal ng tama.
Tamang tao na kayang suklian lahat ng pag mamahal na ibibigay ko,
Tamang tao na pahahalagahan ako,
Kaya muli Salamat at Paalam na.
...

Spoken Words (poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon