II. WRONG SEND
LUMIPAS na naman ang buong linggo. S'yempre, nakaka good vibes yung nangyari last Sunday, except don sa epal na sakristang nang-irap sa'kin. Sana this time, wala siya o kaya naman hindi siya katabi ni Sakristan Will. Baka isipin niya pa, siya talaga yung tinitingnan ko.
Umaga palang si Mama, nagsimba na. Nadala yata last time nong kamuntikan na namin hindi maabutan yung homily. Wala tuloy ako kasama mamaya magsimba. Hindi naman ako puwede sumabay kay Kuya dahil nauuna yung magpunta ng simbahan at don din siya naupo sa unahan ng altar. So mag-isa lang talaga akong magsisimba ngayon.
Uhmm.. what if magyaya ako ng mga friends kong gustong magsimba? Tama! Good idea Julien! Kinuha ko yung phone ko, kaso lowbat naman. Charge ko nalang muna kaso kapag malalasin nga naman, ayaw gumana ng charger ko! Lokal kasi, sa bangketa ko lang to binili nong kelan lang tapos ngayon sira na. Enubayen.
"Kuya, may charger ka ba ng sony ericsson?" tanong ko kay Kuya nong sumilip ako sa kwarto niya.
Naglalaro siya ng computer games. Isip bata talaga, college na naglalaro pa din. Minsan talaga, napapaisip ako kung bakit nagsakristan tong kapatid ko. Parang hindi mo kasi iisipin or i-imaginin na nasa harap siya ng altar. Kengkoy kasi tong si Kuya, pero mabait naman yan, kapag tulog. Hahah!
"Wala. Pero check mo dyan sa drawer baka may makita ka." sagot niya na busy pa din sa paglalaro.
Naghanap naman kaagad ako. Feeling ko kasi drain na drain na 'tong cellphone ko. Kahapon pa yata ito lowbat, at nong isang linggo ko pa last na i-charge 'to. Hindi kasi ako masyadong nagte-text, wala akong hilig kaya ang silbi lang nitong phone ko, alarm clock ko sa umaga kapag weekdays pero kapag weekend, wala siyang silbi sa'kin. Kung saan-saan ko lang 'to nilalagay but so far, hindi pa naman siya nawawala.
"Kuya, wala e. Universal charger nalang, meron ka ba?" tanong ko ulit kay Kuya nong wala akong makitang compatible charger para sa phone ko.
"Wala." tipid niyang sagot. Ayaw talaga paistorbo sa paglalaro niya.
Napakamot nalang ako sa ulo. Tapos, binutbot ko ulit yung drawer niya na madaming abubot baka sakaling makakita ako ng ibang charger. Papalit-palit kasi siya ng phone kaya madami siyang charger. Kaso wala talaga para don sa phone ko, tapos napatingin ako sa spare phone ni Kuya na Nokia. Napaisip ako.. kung makitext nalang kaya ako? Ang kaso hindi ko memorize yung number ng mga kaybigan ko na pwede kong yayain magsimba mamaya. Ayst!
"Kuya, pwede ko ba hiramin 'tong phone mo? Saglit lang." tanong ko ulit. Yan nalang naisip ko since hindi naman ako puwede makitext sa kanya.
"Wala akong load." sagot niya tutok pa din sa screen. Adik talaga sa computer games.
"Hindi ako makikitext, yung mismong phone mo ang hihiramin ko, super lowbat na kasi 'tong phone ko, may load pa naman yata ako kaya i-insert ko nalang 'yung sim ko sa phone mo." sabi ko sa kanya. Explain much na yan para pahiramin niya ko.
"Bahala ka," iyan lang sagot niya. So that means pumayag na ang kumag kaya nagpunta agad ako sa kwarto ko at ininsert ang sim ko sa phone niya.
Nagisip agad ako kung sino ba sa mga kaybigan ko ang pwede kong yayain magsimba mamaya. Tatlo 'yung naisip ko na pwede kong asahan. Si Mhel, si Franz at si Sara.
"Guys! Sino free ngayon? Simba tayo mamaya. Textback yung gusto! Thanks." GM ko don sa tatlo.
Wala yatang balak magreply ang mga bruha. Naghintay nalang ako, baka busy lang silang lahat ngayon.
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN [FIN]
Teen Fiction❝I pretended to look around, but I was actually looking at you...❝ This is a COMPLETED series. Written by ChastineCabs_11 © 2014 All rights reserved.