I dedicate this part to Ms.@Littlecerulean! Hi there! I really love your One Shot Stories, esp. the 'Ferris Wheel, one of my fave One Shot! ^_^
III. EVERYTHING STARTS WITH WHO U?
Nasa school ako ngayon. Vacant namin ng two hours. Ang boring.. wala akong magawa, tapos inaantok pako. Wala naman vacant na room para sana tambayan namin, kaya dito kami ng mga ibang classmates ko nakasampak ng upo sa hallway. Kinuha ko nalang yung phone ko sa bag ko. Magsoundtrip sana ako kaso naiwanan ko naman yung headseat ko. (-_-') yan na nga lang silbi ng cellphone ko bukod sa alarm. Ugh! Ayoko naman magsoundtrip ng loud speaker no. Eksena lang?
Since walang akong magawa, di pinagtiisan ko nalang maglaro ng space impact sa phone ko. Sawa naman agad ako, tapos ko na nga lahat ng levels eh. Kaya yun, nauwi naman sa pagbabasa ng quotes ang drama ko. Yun mga GM ng mga classmates at friends ko. Ang boring nga, pero nagtiis nalang ulit ako kesa naman tumanga. Hindi din naman ako makarelate sa topic nitong mga classmates ko, tsismisan sila. Hindi ko naman kilala kung sino yung pinag-uusapan nila kaya hindi ako nakinig.
Habang nagbabrowse ako ng messages sa phone ko. I saw one unregistered number. Inopen ko, napasimangot ako pagkabasa ko don sa message. Si 'WHO U pala, nasaved sa inbox ng sim memory ko yung text nya. Ewan ko ba.. siguro sa pagkabored ko, namalayan ko nalang nagsend ako ng message sa kanya. Ika-cancel ko pa nga dapat, kaso nagsend na. Shemay! Akalain mong may load pala ako? Parang last month ko pa tong load. Hindi pa pala expired. Kaso hindi naman siya nagreply. Mabuti naman.. wala din naman ako sa mood makipagtext lalo na dito kay 'WHO U! Ano nga ulit name non? Ay! Ewan, basta may 'sakristan yun eh. So sinave ko nalang din yung number nya, just in case na magreply man sya.
Kinagabihan.. after namin magdinner, pumasok nako sa kwarto ko. Hay.. feeling ko this past few days.. palagi akong walang gana, super bored pa. Siguro ganito yata talaga kapag hindi naging maganda yung sunday ko. Saklap. Sana linggo na ulit... :(
Maya-maya, narinig kong tumunog yung cellphone ko. Walang ganang kinapa ko yon sa ilalim ng unan ko. Pagkatingin ko sa screen. 1 message received from 'SAKRIS. Oh? Himala? Nagreply pa tong si WHO U? Akala ko inignore nya yung text ko kanina. Hindi ko tuloy mapigilan mapangiti. Hindi ko alam kung bakit pero pagkakita ko kasi don sa text nya. I half smiled and half frowned.
SAKRIS: WHO U?
Wala na ba syang ibang alam i-type kundi 'WHO U? -_- pero sa bagay, ano bang dapat nyang i-reply don sa text ko kaninang "Hi..." text palang obvious na wala talaga ako sa mood kanina. Nagreply nalang ako.. since medyo bored pa din naman ako..
AKO: Uhm... it's me. Yung last time na wrong send sayo..
Medyo ang tagal nya magreply. After 20 mins. bago ulit siya nagreply, Tinatamad na tuloy ako makipagtext sa kanya.
SAKRIS: HUH? DO I KNOW YOU?
Talagang pinakatawanan nya na yung caps lock nyang text. Ganyan yata talaga siya magtype. Whatever.
AKO: No. I don't know you too..
SAKRIS: SO WHY ARE YOU TEXTING ME? AND WHERE DID YOU GET MY NUMBER?
Aba, suplado neto ah! Tss.. pasalamat ka, bored ako kasi kung hindi, hindi-hindi kita ite-text. Ampf!
AKO: Hehe.. wala lang, nawrong send lang ako at gusto ko lang nang makakausap ngayon.. pwede ka ba?
Yan ang reply ko. Shems! With 'hehe pa talaga? Ayos ka din Julien! Naisip ko din kasi.. di ba 'sakristan sya? So ibig sabihin.. pwede ko syang tanungin about kay Will! Hohoho! What a brilliant idea!! ^0^
SAKRIS: FINE.
Ang tipid naman nya ang magreply. Naku! Pasalamat ka, may hidden agenda ko sayo!
AKO: Btw, I'm Jhassy.. and you?
Hekz! Julien po ang real name ko, code name ko lang yan sa kanya. :D
SAKRIS: ENZO.
Teka.. Enzo? Sakristan Enzo? Oh, yan nga pala yung real name nya. Eh, bakit nya sinabi? Uhm.. sa bagay, mas okay naman yun, name lang naman.. ako lang tong mapretend eklabo e! Bahala na.. hindi ko naman pwedeng bawiin yun baka isipin pa nito kilala ko siya. Eh, hindi naman kaya!
AKO: Enzo what?
SAKRIS: YOU SAID YOU NEED SOMEONE TO TALK TO DI BA? STOP ASKING QUESTIONS.
Aba! Sungit nito ah? Ggrrr! Naku, Julie.. kalma lang. Sinimulan mo na, kaya sakyan mo nalang..
AKO: Suplado naman neto.. syempre unting introduction muna tayo di ba? Paano ako magopen up kung wala akong idea kahit kaunti lang sa kausap ko..
SAKRIS: K.
Nahiya naman ako sa kasipagan nyang magtype. Ok nalang, shinorcut pa. Tss. Kahit nakakawalang gana siyang kausap, nagreply pa din ako. With smiley pa.
AKO: Anyway, I'm 18 years old. 3rd year college, taking up Psychology and.. I'm from Mnla. :)
Oh, lahat yan totoo ha. Except don sa name ko. :p
SAKRIS: 15 YRS OLD. 3RD YR HS. MNL.
Nyeak. Totoy pa pala tong kausap ko. Sino kaya to don sa mga kasakristan ni Kuya?
AKO: Oh, I'm older than you pala.. 3 years gap natin. If you want.. you can call me 'Ate, okay lang. ^_^
SAKRIS. WE'RE NOT SIBLING.
Tss.. ang sungit talaga! Bibingo na to saken.. =_=
AKO: Ok, sabi mo eh. So pwede na tayo mag-usap?
SAKRIS: ACTUALLY, YOU STARTED TALKING TO ME NOW.
Nagkabasa ko nyan sa reply nya. Napasimangot talaga ako at gusto ko ibalibag ang cellphone ko sa inis! Grabe. Meron ba sya? Ang sungit e! Dinaig pa yung babaeng may monthly period. ~_~
That night... everything started between me and Mr. Sakristan! Madami kaming napag-usapan. Ay, mali! Ako lang pala yung madaming sinabi. Inonti-unti ko lang muna siya bago ko isakatuparan yung hidden agenda ko. Ang tipid naman kasi niyang magreply! Isang tanong, isang sagot. My goodness!
Napilitan tuloy ako magpaload at magunli! Mauubos load ko sa kanya, sa dami ng tanong ko, palagi akong may follow-up question sa kanya. Super tipid talaga niya magtext. Naku. Ang suplado pa, hindi man lang marunong gumamit ng emoticon, kahit sad or irritated face. At list alam ko kung ano napi-feel nya. Medyo nacurious din ako sa kanya.. katulad ng kung sino ba sya don sa mga kasamahang sakristan ng Kuya ko? Anong hitsura niya? For sure, totoy ang looks nito. High school palang sya, si Will same kaming nasa College na. Hehe. Kahit kaunti, updated din naman ako sa kanya noh. Sini-simplehan ko lang ng tanong si Kuya para di obvious. ^__^
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Sakris Enzo on the media box🔝
![](https://img.wattpad.com/cover/14284636-288-k876964.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN [FIN]
Novela Juvenil❝I pretended to look around, but I was actually looking at you...❝ This is a COMPLETED series. Written by ChastineCabs_11 © 2014 All rights reserved.