XV [Whatever It Takes]

2.3K 74 25
                                    

Hi Ms. Tiffany! This is for you! I really love your One Shots Stories and congrats! To be pub na pala yung 2 sa fave ko sa one shot stories mo! More power and God blessed! ^.^

XV. WHATEVER IT TAKES



Mabilis na lumipas ang panahon.. Graduate na ako sa College at Graduate na din si Enzo.. sa High School. Nakabalik na din si Ate Katie sa Australia pagkatapos ng one month vacation niya dito sa Pinas. So far, wala pa naman balita don sa processing ng visa ko, medyo matagal pa yata bago lumabas yon kaya hindi ko na din muna sinabi kay Enzo.. kasi kahit ako, hindi ko muna iniisip yun, at tanging concern ko lang sa ngayon ay ang makapaghanap ng trabaho.

Ilang buwan na akong tambay at panay apply, interview-exam dito, exam-interview roon. Medyo nafufrustrate na nga ako dahil halos lahat ng kabatch ko, may trabaho na yata, ako nalang ang wala. Sila Mitchie at Franz, after ng graduation namin, sabay na tinawagan ng magkaibang kumpanyang pinagpasahan namin ng resume noon kaya ngayon employed na sila, si Eriel naman, tulad ko.. nganga pa din. Kaming dalawa nalang ang napagiwanan kaya kami nalang din magkasamang najojob haunting ngayon.

Nagstart na din ulit ang school year, College na si Enzo at sa Ateneo De Manila University siya nagaaral sa kurso niyang Computer Engineering. Medyo may kahirapan ang course niya, more on 'math' kaya para saken mahirap yun, pero sa kanya mukhang okay lang at nagi-enjoy naman daw siya doon. At dahil nasa college na siya, naging busy na siya sa school, freshmen palang kaya full units ang ang subject niya, minsan late na din siya nakakauwi lalo na pag whole day ang klase niya, since sa Manila na siya nag-aaral, medyo mahaba ang byahe niya papasok ng iskul at pauwi ng bahay nila. Minsan, nagkakaroon din sila ng gig ng mga kabanda nya, kahit Graduate na sila, minsan tumutugtog pa din kapag hindi sila masyadong busy sa school. At every sunday, nagseserve pa din siya don sa mass na inaattenand namin ni Mama, kaya madalas ko siyang makita.

Marami na din nagbago.. pero isang bagay lang ang hindi nagiba, syempre instant textmate pa din kami ng mokong. At hanggang ngayon, hindi ko pa din sinasabi ang feelings ko sa kanya, kahit madalas siya magpalipad hangin sa mga text nya saken, pero alam ko naman.. gusto nya lang i-express yung feelings nya saken kahit sinabi ko na kanya dati na mag "besprens" pa din ang turingan namin, same as before kung paano kami nagsimula. But I admit sa bawat palipad hangin niya, hindi ko maitatangging kinikilig ako at hindi ko mapigilan hindi ngumiti, minsan nga nahuhuli pa ko nila Mama at ng mga kapatid ko, nagpapalusot nalang ako na may nakakatawang kowts akong nabasa. Palusot mo Julien! xD

Syempre, ayoko namang isipin nila Mama na may lovelife na ko. Oo inlove ako pero walang lovelife. Akalain mo, pwede pala yun? xD Hay buhay! But seriously, wala pa din talaga sa isip ko yan, there's a lot of things in my mind now, bata pa ko at mas bata pa din si Enzo.. willing naman sya maghintay saken eh.. kahit alam kong sobrang unfair ko sa kanya dahil hanggang ngayon, hindi pa din ako nagpapakita at nagpapakilala sa kanya. Pero darating din tayo dyan, in a right time and in a right place.. just in time Enzo. Unting pagpapalakas loob nalang, makikipagkita din ako sayo..

Almost half year na.. wala pa din akong trabaho! Huhuh! This is depressing me! Grabe.. ngayon ko lang din napagtanto na sobrang hirap pala talaga maghanap ng trabaho sa panahong ito, akala ko kapag fresh grad, madali makahanap at makapasok sa mga kumpanya, lalo na yung ibang qualifications sa Industrial Field, Human Resource Staff'/Officer kasi ang tinatarget kong position which is related at naka in-line talaga sa course ko, kaso madalas "with experience" ang hanap ng mga kumpanyang pinagpapasahan namin. Haler! Paano naman kaming mga fresh at newly grad? Paano kami magkaka job experience kung 'with experience' na kaagad ang nasa first qualifications nila? Tsk. Hindi ko din minsan magets yung ibang company, but I'll never ever give up!

Mr. SAKRISTAN [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon