VIII [Messed Up]

2.3K 69 8
                                    


Hi ate Alex! This is for you! Congrats for 'Invisible Girl'! I'm soo happy that it will be publish soon.. pati yung Stupid Mistake! Thumbs up for that! More power and God blessed! :)

VIII. MESSED UP



"Oh, Julien anak.. nandyan kana pala, halika't kumain kana, nakapaghanda nako ng hapunan natin." bungad na sabi saken ni Mama pagkauwi ko sa bahay.

"Sige po Ma, susunod nalang po ako." walang ganang sabi ko kay Mama at nagmano then nagtuloy-tuloy nako papasok ng kwarto ko.

When I entered my room.. hindi muna ako nagpalit ng damit, naupo lang ako sa gilid ng kama ko. Tapos tinitigan ko yung cellphone ko. Napabuntong hininga ako. Hindi pa din nagtetext si Enzo. Nakailang text nako sa kanya bago kami umalis ni Franz don sa mall at habang nasa byahe ako pauwi. I was really worried and I felt guilty at the same time..

After ng meet up namin ni Enzo, ay mali.. nila pala ng bespren ko, I really messed up and I felt really bad about myself. Feeling ko ang sama-sama ko, feeling ko sobrang unfair ko sa kanya. Nope, should to say I'm so being mean to him.. alam ko naman yon eh, pero anong gagawin ko? Hindi ko talaga kaya magkakita at magpakilala sa kanya, hindi ako ready at wala talaga sa plano ko ang gawin yon. Hayst! Julien ang bad mo!

Kanina.. sobrang takot at kaba talaga ang naramdam ko, to think na nabisto niya kami sa kalokohang ginawa namin ni Franz sa kanya, na baka nagkaroon siya ng hint o idea na hindi ako yung nakaharap niya, pero wala naman nangyaring ganon. Natapos ang "deal" namin ni Sakris ng walang aberya o kapalpakan sa plano ko. Pero.. imbes na magpasalamat at kahit paano malessen man lang yung worries ko, feeling ko mas nadagdagan lang.. :'(

Yung nangyari sa meet up nila Sakris Enzo at ng bespren kong si Franz, sandali lang.. siguro wala pa yatang 20 mins. nagkahiwalay na silang dalawa sa Timezone, nagkausap lang daw sila sandali at pagkatapos non, nagpaalam na daw si Enzo sa kanya, wala naman sinabing reason sa kanya. Hindi nalang siya tinanong ni Franz kasi nga naman pabor yun sa kanya. No need for her to disguise ng matagal. Kaso, nagtataka lang talaga ako kasi hindi naman ganoon yung napag-usapan namin sa phone kahapon, nagplano pa kami na magkukwentuhan habang mag-iikot sa mall, then kakain kami sa Mcdo, kasi pareho namin gusto yung fries at float don. Napapaisip tuloy ako sa ano bang posibleng reason bakit siya umalis kaagad..

Nong di sinasadyang nagkabanggaan kami kanina, yun daw yung time na nagpaalam na si Enzo sa kanya. Tapos si Franz naman, tulad ng napag-usapan namin, nagpunta na siya kaagad don sa foodcourt. At yung dahilan kaya hindi ko siya macontact kanina, nalowbat pala yung phone ko. -_- Ayst! Wrong timing naman talaga, halos mamatay nako sa takot at kaba kanina nong hindi ko macontact si Franz, mabuti nalang nagkita kami. Nakitawag sya don sa E-load booth sa mall tapos pinacharge na din nya yung phone ko don sa shop.

Grabe lang.. kinarma na kaagad ako. Sorry Papa God.. promise i-kukumpisal ko po talaga to.. hindi ko naman gawaing manloko ng tao, nagawa ko lang naman yun kasi hindi pa talaga ako handang harapin si Enzo.. :'|

Hindi ko alam kong kaagano na ko katagal nakatitig sa phone ko at panay lang ang buntong hininga. Nakapagpalit nako ng damit pang bahay pero hindi pa din ako naghahapunan. Wala akong gana.. isa pa, hindi ko din magagawang kumain hangga't hindi ko nakakausap ulit si Sakris. Kinakabahan pa din kasi ako.. hindi kaya nakahalata siya? Na hindi ako at ibang tao ang nakasama nya kanina?

"Ay! Julien! Ano ba kasi tong ginawa at pinasok mo?" I said frustatedly sabay gulo ng buhok ko. Bat kasi hindi ka pa din nagtetext Enzo? Galit ka ba? Or baka narealize mong infatuation lang talaga yung nararamdaman mo para kay Jhassy?

I glanced up at the wall clock. Mag alas nuebe na pala ng gabi. My ghad! Until now, hindi pa din siya nagte-TEXT! Kinapa ko yung phone ko sa gilid ng unan ko at bumangon sa pagkakahiga. Naupo ako sa kama and I inhaled deeply bago nagtype. Hindi ko na kinaya, ako na nalang unang magtetext sa kanya, baka isipin pa niya na dini-dedma ko na siya pagkatapos ng meet up namin. Kahit siya.. parang ganon na yung ginagawa niya. But then, I need to clarify some things to him.

Mr. SAKRISTAN [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon