Hi Ate Jonaxx! This is for you! Super nahooked talaga ako sa mga stories mo, especially to 'Brent' of Invisible Man, and to Alegria Boys with Heat-Inducing-Sparkling ABS! Hahah! Thanks ate and more power! God blessed! :)
XII. HEARTBEAT
Anong petsa na nasa terminal pa din ako ng jeep. Inalikabok at tinubuan na yata ako ng ugat sa kahihintay ng masasakyan. Shemas naman talaga! Kung bakit naman kasi sa araw pa ng lunes napiling magstrike ng mga jeepney drivers na yan. -_-
Sinipat ko ang suot kong relo. Mag alas otso na... trenta minutos ang byahe papunta sa OJT ko at dapat saktong 8:30 nandoon na ko kaso hanggang ngayon, naghihintay pa din ako ng masasakyan. Madami na din akong nakakasabay sa paghihintay, puro punuan kasi yung mangilan ngilang jeep na dumadaan. Kainis! Malalate na naman ako! Kung kelan naman naghahabol ako ng hours of duty para matapos ko ng mas maaga ang OJT ko. Hayst!
Naglakad ako paalis ng terminal, mukhang wala ako pagasang makasakay don. Wala naman pumipilang jeep dahil strike nga di ba. Tsk. Naglakad lakad lang ako hanggang makarating ako sa tapat ng simbahan. Baka sakali dito makasakay na ko, pwede naman maghintay at sumakay sa tapat non kaya doon ako naghintay.
Habang naghihintay ako ng jeep, kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng pocket ng uniform blouse ko. Walang nagtext. Walang text si Enzo. Nag good morning lang yun kanina, tapos nong nagreply ako sa good morning niya, hindi na siya ulit nagtext. Usually kasi bago yun umalis ng bahay nila papuntang school, inaupdate nya pako na paalis na siya or nasa school na siya, pero ngayon wala. Yung mokong na yun talaga! Nagmamadali na naman siguro dahil late na siya. Hahah! Huli kong text sa kanya OTW to OJT na ko nong nasa tricyle ako palabas ng compound namin at 30 mins. ago pa yun! Naku, kung alam mo lang Enzo, inabot na ko ng siyam -siyam dito sa kalsada kakahintay ng jeep na masasakyan.
Imbes na mainis sa kasadlakan paghihintay ng masasakyan, tinext ko nalang siya. Wala talagang update ang mokong huh? Sumulyap ako don sa loob ng gate na pinapasukan ng mga estudyante ng school nila. Nandoon na kaya siya sa loob?
Patingin-tingin ako sa kalsada habang nagtetext baka kasi may dumaan ng jeep. Sana naman, meron na.. super late na talaga ako. :|
'Psst. Tsong, nasa school kana ba? Ako heto.. inagiw at inugat na kakahintay ng jeep. Saklap!'
Pagkasend ko nyan sa kanya sakto naman paglingon ko ulit don sa gate ng school nila, nabigla at nagula ako.. kasi... pagtingin ko sa unahan ko, nakita ko si Enzo. Biglang dumaloy ang matinding kaba sa dibidb ko. Uwuaaaahah! Oo siya nga! Medyo malayo pa siya nong maaninaw ko siyang naglalakad papunta sa direksyong kinatatayuan ko, but this time.. hindi siya mag-isa, may kasama siya at... nagtatawanan?
Ewan ko ba, kahit sobrang lakas ng kaba sa dibdib ko, hindi ko nagawang umiwas ng tingin sa kanila, I just pretended to looking around the way, kahit yung tingin ko talaga nasa kanya at sa kasama nyang babae. Classmate nya siguro to.. maganda, matangkad, maputi, at may braces pa siya na bumagay naman sa kanya. At nong malapit na sila saken, narinig ko pa yung pinag-uusapan nila. Busy ang mokong kaya buong atensyon nya, nandon lang sa girl na kasama niya.
"Sira ka talaga! Umamin kana kasi, ako yung crush mo no? kaya ka ba nagpaparaktis mag gitara kasi haharanahin mo ko?" sabi nong babaing kasama niya sabay siko kay Enzo.
"Parang mali yata, ikaw kaya yung may crush saken." aniya na sinabayan pa ng pagtawa, lumabas din yung dimple nya sa right cheek. Oh, so may dimple pala siya? Ang tipid nya kasi ngumiti. First time kong makita yun ah.
"Kapal mo talaga! Hindi na kita crush, dati lang yon!" the girl said sabay hampas sa balikat nya.
He just laughed again. Hanggang makapasok sila loob ng school nila, they still talking while laughing, at narinig ko lang naman yan sa pag-uusap nila dahil halos nadaanan na nila ako. Nasundan ko pa ng tingin si Enzo at yung babaing kasama niya. Hanggang mawala sila sa patingin ko, nakatingin lang ako don sa gate na pinasukan nila. Nailing ako. Tsk. Kaya naman pala... hindi na siya nagtext ulit kasi busy siya sa babae niya. Hmp!
![](https://img.wattpad.com/cover/14284636-288-k876964.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN [FIN]
Novela Juvenil❝I pretended to look around, but I was actually looking at you...❝ This is a COMPLETED series. Written by ChastineCabs_11 © 2014 All rights reserved.