XIII [Can This Be Love]

2.6K 75 18
                                    


XIII. CAN THIS BE LOVE



Naalimpungan ako nang marinig ang sunod-sunod at walang tigil na malalakas na katok sa labas nang pinto ng kwarto ko.

"JULIEN! Gising na!"

Kahit sobrang inaantok pa ako, sinikap kong umulat ang mga mata ko para sulyapan ang wall clock na nasa harap ng kama ko. Mag alas-siete y media palang ng umaga.

"Julien! Ano ba! Gumising kana nga dyan!"

Ano bang problema ng hudas kong Kuya? Kay aga-aga nangbubulahaw! Sabado naman ngayon ah? Wala akong pasok sa school, kaya pwede akong gumising kahit anong oras ko gusto.


TOK - TOK - TOK - TOK - TOK

Bahala sya! Hindi ko alam ang problema nya. Istorbo! =__= Hinila ko yung unan sa ulo ko para itakip sa mukha ko.

"Julien! Gumising kana nga! Hindi talaga ako titigil ng kakakatok dito hangga't di ka bumabangon at lumalabas ng lungga mo!"

> >TOK - TOK - TOK - TOK - TOK TOK - TOK - TOK - TOK - TOK < <

Mas nilakasan nya pa ang pagkatok at hindi talaga siya tumigil. I rolled over at mas lalo kong sinubsob ang mukha ko sa unan. Kaso sa sobrang lakas ng mga katok nya, sobrang nagising na ang diwa ko at hindi ko na magawang makabalik sa pagtulog. Balak nya bang sirain ang pinto ng kwarto ko?!

"Urgh! Bwisit! Hudas talaga!" napaupo ako sa kama at nagmartsa papunta sa pinto para labasin ang Kuya kong panira ng tulog! ~_~

"Kuya! Inaantok pa ko, nangbubulahaw ka! Nakalimutan mo na bang Sabado ngayon? Wala akong pasok. Ano bang trip mo ha?" pasinghal kong bungad sa kanya pagkabukas ko ng pinto. Kainis! Tuwing ganitong araw na nga lang ako bumabawi ng pagtulog ng mahaba-haba tapos bubulabugan nya pa ako ng ganito kaaga?

"See? Sabi ko na nga ba eh, nakalimutan mo na! Tsk. Oo, alam ko sabado ngayon kaya nga kita ginigising dahil ngayon yung Outreach Program ng sinabi ko sayo nong nakaraan." sabi nya na nagcross arms pa at tinaasan ako ng kilay.

Napakusot ako ng mata habang humihikab. "Huh? Anong Outreach Program?"

"Di ba, tinatanong kita last time kung gusto mong sumama, nag Oo ka kaya pinalista ko yung pangalan mo sa Outreach Program ni Pader, ngayon yon.. Sabado!" sabi niya sabay tapik ng noo ko.

Napakunot noo ako. Outreach Program?? Saglet akong nagisip. Naalala ko nga na may binanggit sya saken na ganon, kaso di ko naman maalala na nagsabi akong sasama sa kanya? Yun yata yung gabing windang ako dahil sa biglaang pagsulpot nya sa kwarto ko tapos tumatawag si Sakris saken.

"Wag ka ng tumunganga dyan, dalian mo. Maligo at magbihis kana, maiiwan na tayo ng shuttle." sabi nyang pautos tapos bigla nalang akong tinalikuran pabalik ng kwarto nya.

"K-Kuya, sandali! Sino-sino bang kasama don sa Outreach Program ni Pader" pahabol kong tanong sa kanya. Ngayon lang yata nagsink in sa utak ko yung sinabi niya last time. Obviously, na nakalimutan ko na nga dahil hindi ko naman masyadong pinansin yung sinabi at tinanong nyang yun saken. Bigla akong sinalakay ng kaba. Shocks! Outreach Program... ni Pader? So ibig sabihin....

"Mga Sakristan, choir at ibang staff ng simbahan. Bilisan mo na, magreready na din ako." sagot ni Kuya at pumasok na ng kwarto nya. Nagulantang akong bigla at hinabol ko siya!

"H-HA? T-Teka Kuya! Pwede bang huwag nalang ako----"

BLAG!

Sinaraduhan na ako ng pinto ng kumag! Shet! Yari ako! Hindi pwede to!

Mr. SAKRISTAN [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon