Prologue

2.1K 138 10
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."

- Juan 3:16

Sa karamihan, ito ang pinakamahalagang berso sa biblya.

Nguni't may isang nilalang na dinala ito sa susunod na level.

Ito ang istorya ni Manuel.

#

Mental Rehabilitation Center. Oram, Quezon.

Ito ang sabi ng sign sa labas ng 4-floor na building.

May mga duktor at nurses ang naglalakad sa paligid. May ambulansyang nakaparada sa gilid ng entrance ramp. Christmas season kaya'y may mga dekorasyon na X-mas lights at mga makikintab na tirintas na nakasabit sa bintana at canopy. Sa glass pane ng entrance, naka masking tape ang mga kartong dekorasyong Merry Christmas and a Happy New Year.

80s na arkitektura, nagdaan na ang bulding sa dalawang renovation, nadagdagan na ng extention sa bandang likuran, at ang façade ay may mga palm trees na wala dati. Every 5 years, pinipinturahan ang buong building.

Sa corridor sa loob, may mga pasyente na naglalakad paroon at parito. May naka-wheelchair. May pasyente na nagsusulat sa pader. May tulala lang. May kausap ang sarili.

Sa isang malaki at maliwanag na kuwarto na nagsisilbing day room, ang mga pasyente'y nakaupo sa mga mesa. Nagsusulat, nagdo-drawing, naglalaro ng baraha, nanonood ng TV. Sa paligid, nakabantay ang mga nurses.

Sa dulo na upuan, nag-iisa ang isang lalaki. Nasa kanyang early 30s, maikli ang buhok, halos kalbo. Suot ay, tulad ng iba pang pasyente roon, ang polo na puti na may bulsa sa dibdib na tulad ng unipormeng pang-eskwela. Nagbabasa siya ng libro, maliit na bibliyang King's James version. 

Siya si Manuel.

Maya-maya'y lumapit kay Manuel ang lalaking nurse para siya kaunin. Tumayo si Manuel at in-escortan ng nurse paalis.

#

Di-kalakihan ang kuwarto. May mesa at mga upuan. Bookcases at filing cabinet. Picture frames at paintings. At dahil Christmas season, may decors at maliit na X-mas tree. Binuksan ng lalaking nurse ang pinto at matapos pumasok si Manuel, ay kanyang isinara muli. Nagaantay na sa loob ang babaeng psychiatrist, 30ish. Sa mesa ang nameplate na Dr. Pilar Pontificano, Doctor of Psychology. Sa pader, naroon din ang pangalan niya sa mga certificates. May hitsura si dok. Mahaba ang buhok. Maputi. Petite. 

"Hello, Manuel. Have a seat," bati niya.

Naupo si Manuel, hawak pa rin ang bibilya. Isinuot ng duktor ang salamin sa mata at binasa ang patient record ni Manuel.

"Ayon sa record mo, mag-iisang taon ka na pala dito."

Tumango si Manuel. Tahimik lang siya.

"Last week, maganda ang resulta ng Rorschach test mo. Ngayon naman, uulitin lang natin 'yung Thematic Apperception Test mo. May papakita ako ulit sayong mga litrato at ikukuwento mo sa akin kung anong nakikita mo. Or kung anong nararamdaman mo. Malinaw ba, Manuel?"

Tumango uli si Manuel.

Kinuha ng duktor ang set ng mga litrato na magkakapatong. Ipinakita niya ang unang litrato:

LITRATO #1: ISANG BABAENG NAKAUPO SA SAHIG AT NAKAYUKO SA UPUAN.

"Malungkot siya. Sinaktan ang kanyang puso," sabi ni Manuel.

Ibinaba ni duktora ang litrato at na-reveal ang kasunod:

LITRATO #2: MATANDANG BABAENG NAKATINGIN SA BINTANA, SA LIKURAN NIYA AY ISANG LALAKI.

"Mag-ina sila. Parang aalis na yung lalaki, anak niya siguro at hindi niya ito matanggap."

LITRATO #3: KUWARTO, BABAE NA NAKATIHAYA SA KAMA, LALAKI NA NAKATAYO, NAKATALIKOD AT TINATAKPAN ANG KANYANG MATA.

"Mag-asawa, naghihingalo ang babae, siguro may malubhang sakit."

LITRATO #4: MADILIM NA KUWARTO, LALAKI NA NASA BINTANA.

"Gusto niyang tumalon. Baka magpapakamatay."

Nagsulat si Duktora sa papel. Okay ang reaksyon ni Manuel so far. Bago pinakita niya ang kasunod na litrato:

LITRATO #5: LITRATO NI HESUKRISTO.

May kakaibang reaksyon dito si Manuel. Saglit na lumaki ang mga mata niya. Napasandal siya at hindi agad nakapagsalita. Nakatitig lang siya sa larawan ni Hesus.

"Manuel?" inaantay ng duktora ang sagot niya.

Tulala si Manuel. Ang litrato ni Hesus ay wari niya'y nakatingin sa kanya, at sa kanya lamang. Parang salamin sa kanyang mga mata.

"Manuel?" ulit ng duktora.

"Si Hesus..."

"At?"

Tanong na para bang may ini-expect na sagot si Dr. Pilar.

"At ano, Manuel?"

Nagkibit-balikat lang si Manuel. As if, wala lang.

"Si Hesus."

Tumingin sa kanya ng mabuti si duktora, nag-iisip, nag-a-analyze. At nagsulat sa papel. Pagtingin niyang muli kay Manuel ay nakatitig ito sa wall. Sa isang painting na ngayon lang niya nakita. Painting ng dagat na may dalawang mangingisda na naghahagis ng lambat. 

"Bago lang 'yang painting ko," sabi ng duktora. "May naaalala ka ba?"

"O-oo," sabi ni Manuel.

Malalim, malawak ang ala-ala ni Manuel sa dagat. Kinagisnan niya ang dagat mula ng pagkabata. Lumaki siyang isang mangingisda, tulad ng kanyang ama na namana rin sa kanyang ama na namana din sa ama nito, and so on and so forth.

Nasa mata ni Manuel, masayang namumuong luha na parang alon. At kung ating lalapitan ang kanyang mga mata ay makikita natin mismo ang dagat na nagre-reflect doon, asul at mahiwaga, at ang mga ala-alang dala nito.

NEXT CHAPTER: "Si Manuel na Mangingisda."

Ang Pagaala-Kristo ni ManuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon